^

Pang Movies

Gov. Vi ayaw ma-stress sa pagbi-bise

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Definite na ang plano ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na tumakbo lang bilang Congresswoman ng 1st district ng probinsya in the 2016 elections.

Definitely daw, wala sa plano niya ang maging running mate ng Liberal party presidentiable na si Mar Roxas.

“But of course, nagpapasalamat ako sa mga nagsasabi na ang Mar-Vi tandem would be a sure win.

“But I dont think, I’m ready for such a big position. Remember, we are talking about the entire country now para iyong pagsilbihan.

“As it is, hindi naging madali para sa akin ang maging Governor ng Batangas province for three terms”, patuloy pa ni Vi.

Right now, hindi inililihim ni Vi ang kanyang excitement sa pagbabalik-palikula via the yet untitled first co-starrer nila ni Angel Locsin. First time rin ni Ate Vi na makatrabaho si Direk Joyce Bernal bilang director.

Kasama nga rin pala sa pelikula si Xian Lim.

Xian ipinagmamalaki ang pagiging playboy

Speaking of Xian, while more of a drama­tic movie ang pinagsasamahan nila nina Gover­nor Vi at Angel, ang first mobile film naman nila nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, at Matt Evans ay romantic comedy.

Ipinagmamalaki ni Xian na sa kanya na-focus ang pelikula, since he is playing the title role na Must Date The Playboy ang title.

A Star Flix Production, Must Date The Playboy is scheduled na ipalabas sa mga mobile phones starting on August 31.

John Arcilla paborito sa mga historical film

Isa si John Arcilla sa few actors ng kanyang hene­rasyon who has had the chance na makaganap na sa ilang klaseng historical films.

This time, he’s playing no less than the top role of General Juan Luna.

Set for a September 9 playdate, in thea­ters nationwide, naipalabas na sa ibang bansa ang pelikula.

Nagkaroon na rin ang Heneral Luna ng special previews, attended by movie fans, students at mga mahihilig sa historical movies.

Produced by Artikulo Uno Productions, Heneral Luna, bukod kay John kasama rin sa pelikula sina Mon Con­fiado, Epi Quizon, Leo Martinez, Nonie Buencamino, Bing Pimentel, Mylene Dizon, Kethchup Eusebio, Aaron Villaflor, and Paulo Avelino.

The film will unveil the truth about Heneral Luna, kung siya nga ay tunay na bayani.

Teleserye King natupad ang pangarap

  Kasalukuyang itinuturing na Teleserye King of his generation, Coco Martin considers it a great honor na gumanap sa papel ni Fernando Poe Jr., na hanggang ngayon kahit 10 years after his death ay itinuturing pa rin na Da King ng local showbiz. Gumaganap siya sa Ang Probin­syano na hango sa isang paboritong pelikula niya with the same title.

With Ang Probinsyano the series, “Natupad ang pangarap ko na gumanap bilang super hero sa isang aksyon na palabas,” ani Coco.

Dual role ang karakter na ginagampanan ni Coco sa Ang Probinsyano, siya ay sina Ador at Cardo, kambal na pinaghihiwalay ng tadhana. Nang magtagpo uli ang landas ng kambal, pareho na silang mga alagad ng batas na ang kaba­yanihan ay tunay na hinahangaan ng karamihan.

A production of Dreamscape Entertainment Television at FPJ Prodcutions, Susan Roces, the widow of FPJ plays Coco’s Lola.

Also in the cast are Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, at Jaime Fabregas.

AARON VILLAFLOR

ACIRC

ALIGN

ANG

HENERAL LUNA

JOHN ARCILLA

LEFT

MUST DATE THE PLAYBOY

QUOT

STRONG

TELESERYE KING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with