^

Pang Movies

Liza hindi inasahang bobongga nang husto ang career!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ni-launched pala si Liza Soberano in showbiz via the ABS-CBN’s Star Magic Circle nung 2013 kasama ang fellow teenage star niya na sina Julia Barreto, Janella Salvador at Michelle Vito.

Marami siyang ginawang maliliit na appearance on TV, pero ayon kay Liza, napansin siya nang maging love inte­rest siya ni Daniel Padilla sa Got to Believe.

Pagkatapos naman nu’n ay featured siya kasama sina Enrique Gil, Bea Alonzo at Dingdong Dantes sa pelikulang She’s the One kung saan gumanap siya bilang best friend ni Enrique.         

Sa pangalawa nilang team-up sa seryeng Forevermore ay silang dalawa na ang bida. At sunud-sunod na nga ang pagsasama ng dala­wa.

“To be honest, ‘di ko akalain na aabot ako sa ganitong status bilang artista.

“When my original manager, Ogie Diaz, disco­vered me, sabi niya sa akin magtulungan kami para sumikat ako.

“It was Tito Ogie who decided that I signed up for Star Magic. He now co-manages me with Star Magic” pahayag ni Liza.

Liza, together with Enrique, plus Gerald Anderson, is doing a movie na wala pang tiyak na titulo.

Kris naudlot ang pagiging pambato ng LP

Totoo ba na bago mag-birthday si Kris Aquino sa February 14 ay mag­dedeklara siya ng kanyang kandidatura bilang Vice President ni DILG Secretary Mar Roxas?

Si Kris daw ang magiging pambato ng Liberal Party na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si President Noynoy.

Sa totoo lang, sa lahat ng anak ng yumaong sina Senator Benigno Aquino and President Corazon Aquino, ay nagpakita na si Kris ng signs sa pagiging isang mahusay na politician. At six years old, she was already campaigning for her dad na kahit nakakulong during the Martial Law days, ay nag-decide na tumakbo pa rin bilang Senador.

Teenager na si Kris nang pumasok siya sa showbiz at ngayun nga ay hindi maikakaila na isa siya sa pinaka-influential na TV host and actress.

Ngayon nga ay nagsu-shooting si Kris ng pelikulang Etiquette for Mistresses at pagkatapos ay itutuloy niya ang pagsasa-pelikula ng Mr. and Mrs. Split with Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kapatid ni Maricel, pumatok ang restaurant business

Nagsimula bilang child actor at nakababatang kapatid na noon ay sikat nang si Maricel Soriano si Mel Martinez. Pinangarap din niya na maging sikat na artista gaya ng kanyang ate.

“Ako mismo hindi ko rin akalain, na ngayong maituturing na, na nasa tamang edad na ako, I would go into the food business”, sabi ni Mel.

Ngayon nga ay dalawang taon na ang restaurant ni Mel na Kusina ni Bunso na mata­tagpuan sa Scout areas sa Quezon City. At sino pa nga ba ang custo­mers ni Mel?

Regular customers daw ang kanyang ate Maricel at mga kaibigan nito.

Madalas din kumain sa restaurant ang mga kaibigan niya sa showbiz, kabilang na sina Direk Mark Reyes, Jane Garcia at Jomari Yllana.

Lagi rin present sa restaurant ni Mel ang mga kaibigan niyang members ng Acacia Kababaihan Movement.

Mel, wants to eventually expand his restaurant or even put up branches in Metro Manila.

Carry on, Bunso!

vuukle comment

ACACIA KABABAIHAN MOVEMENT

ACIRC

ANG

BEA ALONZO

BUNSO

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

DIREK MARK REYES

ENRIQUE

NBSP

STAR MAGIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with