Kinabog ang fadir! Anak nina Mayor Herbert luma-loveteam na!
Nakakatuwa naman sina Julia Montes at Coco Martin dahil suportado nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga magkahiwalay na proyekto.
Matatandaang dumating si Julia sa tribute screening ng serye ni Coco na Ang Probinsiyano kahit wala siya sa cast at busy siya. Siyempre, ito ay dahil gusto niyang suportahan ang dating ka-loveteam at natsitsismis ngang boyfriend niya.
Last Sunday ay nagkaroon naman ng Royal Screening ang Doble Kara na pinagbibidahan ng Royal Princess of Drama at dumating din si Coco considering na sobrang busy rin ng aktor.
Bukod kay Coco, dumating din ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces para suportahan si Julia na naging malapit din sa Royal Princes simula nang nagkasama sila sa Walang Hanggan at Ikaw Lamang.
Buong pilot week ng Doble Kara ang ipinanood sa screening. Wala pa sa unang mga episodes si Julia at ang mga leading men niyang sina Anjo Damilles and Edgar Allan Guzman dahil mga bata pa ang mga karakter nila.
Lumabas lang sina Julia, Anjo and Edgar sa 4th or 5th episode at sigawan ang mga fans na nanonood sa paglitaw ng Royal Princess.
Sa first few episodes ay ang mga child stars na sina Clyde Avery Balasbas (as young Kara and Sarah) and Harvey Bautista (as young Andy na ginagampanan ni Anjo paglaki) ang mga namayani plus ang mga magulang nila sa serye na sina Allen Dizon, Carmina Villaroel, Ariel Rivera and Mylene Dizon with John Lapus.
Napakahusay ng pagkaka-portray ni Clyde Avery bilang Kara and Sarah. Ilang beses niya kaming pinaiyak, sa totoo lang. Panalong-panalo ang eksena niya with Mylene and Ariel noong maghihiwalay na sila at ibibigay na sa totoong ama niya. Pinalakpakan ang baguhang child star sa scene na ‘yun dahil grabe naman talaga ang husay niya ro’n.
Cute rin ang anak nina Mayor Herbert Bautista at Tates Gana na si Harvey. Ilang panahon na lang din pala at binata na ang child actor samantalang parang kailan lang, ang liit-liit pa niya. Ngayon, luma-loveteam na ang bagets.
Iilang eksena pa lang ang pinakita kay Julia but in those scenes, maaaliw ka sa kanya lalo na sa role niya bilang Sarah. At makikita na rin agad ang husay ng Royal Princess sa mga ilang eksena na ‘yun dahil kering-keri niyang palitawin ang pagkakaiba nina Sarah at Kara.
As Sarah, may pagka-tsipangga (cheap) siya na sali nang sali sa beauty contest. Pati make-up niya ay halatang cheap samantalang class na class naman siya as Kara.
As Sarah, aliw na aliw kami sa wrong pronunciation niya ng mga English words kaya du’n pa lang ay havey na havey na ang acting niya.
Ngayon pa lang magsosolo bilang bida si Julia in a drama series dahil as we all know, in the past ay lagi niyang kasama si Coco. At base sa napanood naming ilang eksena niya, mukhang kayang-kaya niyang dalhin ang buong serye.
Nagsimula nang umere kahapon ang Doble Kara sa Kapamilya Gold afternoon block.
Gov. Vi pabor sa pag-ayaw ni Luis na makasosyo si Angel sa negosyo
Okay kay Governor Vilma Santos ang sinabi ng anak na si Luis Manzano na ayaw niyang magsosyo sila sa negosyo ng girlfriend na si Angel Locsin.
Katwiran ni Luis, ayaw niyang mahaluan ng pera ang pagsasama nila ni Angel.
“Totoo rin ‘yan,” sabi ni ate Vi. “Mahirap ang isang may respeto o nagmamahalan na magsama sa isang business. Lalo na pag may kinalaman sa pera. That is one thing I have learned.
“Kaya nga dapat, pag magtatayo ka ng negosyo, walang kamag-anak, kasi hindi mo mapapagalitan. Mahirap. Eksperiyensiya ko yan sa VS Films. You can give them ibang oportunidad pero hindi ‘yung mga kamag-anak. Kasi mas mahirap.
“Kaya ‘yung sinasabi ng anak ko na mahirap niyang makasama (as business partner) si Angel, that’s very true. It will affect the relationship in a way, especially if it concerns money,” sabi pa ng Star for All Seasons.
Mas maganda raw na mag-grow ng individual sina Luis at Angel pero nagsusuportahan sa isa’t isa.
“Let them grow individually, pero the love and respect and the support is there. ‘Yun ang importante,” she said.
Ganu’n din daw sila ng asawang si Sen. Ralph Recto. Never daw siyang binawalan nito sa pag-aartista at siya naman daw, kapag nakikita niyang naggo-grow ang mister sa gusto nitong gawin ay natutuwa rin siya.
“And then we’re both growing and we’re both enjoying indivually ‘yung gusto naming gawin. And yet we support each other,” say pa ni Ate Vi.
- Latest