Tom at Megan huhusgahan na kung makapagpapakilig
MANILA, Philippines – Judgment day ngayong gabi para kay Megan Young bilang bagong MariMar. Hindi masisisi ang manonood kung magkakaroon ng comparison sa pagiging Marimar ng Miss World at kay Marian Rivera na nagpatingkad ng pangalan niya sa showbiz na dumiretso sa pagiging Primetime Queen ng GMA 7, huh!
Iwas si Megan sa pagsasalita tungkol sa isyung comparison. Hindi gaya ng leading man niyang si Tom Rodriguez bilang Sergio na pressured dahil sa kanya binigay ang role noon ni Dingdong Dantes.
Pero kung walang sabit noon sina Dong at Yan Yan siguradong nauwi kaagad sa pag-iibigan ang kanilang tambalan, wala mang pag-amin kina Megan at Tom, nakadikit pa rin ang pangalan nina Mikael Daez at Carla Abellana sa personal na aspeto ng buhay nila, huh!
We’ll see kung kayang pakiligin nina Megan at Tom ang manonood once sinimulan na ang romansa nila sa kuwento, huh!
Julia masusubukan kung uubra tuwing hapon
Kung balwarte ngayon nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang primetime slot ng Kapamilya Network, susubukan naman ni Julia Montes na solohin ang afternoon slot ng network ngayong hapon sa pagsisimula ng lead series niyang Doble Kara.
Eh, wala namang keber si Julia kung napunta ang programa niya sa hapon. Mas mabuti na ‘yon kesa matengga pa siya nang matagal, huh! Tutal naman, walang masasabing tunay na prinsesa ng Kapamilya Gold, huh!
Sa sarili na nga lang makikipagkumpitensiya ni Julia dahil dalawang mukha ang character niya sa series. Kumbaga, wala siyang dapat ipag-alala na kailangan niyang makipagpukpukan sa ratings kina Kath at Nads!
- Latest