^

Pang Movies

Kris nababahala sa pag-arte ni Claudine!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

May naghihintay na naman na award kay Kris Aquino for Best Actress sa kanyang performance sa kasalukuyan na ginagawang movie niya, ang Etiquette for Mistresses.

“If ever,” sabi ni Kris, ang makakalaban niya ay si Claudine Barreto, na kasama rin niya sa pelikulang Etiquette for Mistresses.

 “Actually, Claudine motivates me,” sabi ni Kris. “Ang galing pa rin niyang umarte”.

 “Sana makagawa kami kaagad muli ng movie together,” pahayag pa ni Kris.

Directed by Chito Roño, and produced by Star Cinema, Etiquette for Mistresses also stars Iza Calzado, Kim Chiu and Edu Manzano.        

Ihanda na ang tissue at panyo One More Chance nina Bea at John Lloyd, kumpirmadong magkakaroon ng part two!

Tiyak na magkakaroon ng part two ang pelikula nina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz, ang One More Chance

Ayon sa panulat ni Vanessa Valdez ang One More Chance na siya ring sumulat ng blockbuster hit na kasalukuyang napapanood pa sa mga sinehan, ang The Love Affair.              

Ang naunang One More Chance ay idinirek ni Cathy Garcia-Molina

“Sana si Direk Cathy muli ang magdirek ng One More Chance part two”.

“Gamay ko siya bilang director,” pag-amin ni Vanessa.

Right after One More Chance part two, may sisimulang series sina John Lloyd at Bea.

Julia pumiyok na, the best daw si Coco!

Hanggang ngayon kahit 20 na siya, hindi pa raw tumatanggap ng manliligaw si Julia Montes

Tanong lang, umaasa ba siya na magiging sila ni Coco Martin someday?

Aminin man o hindi ni Julia, sobrang naging close sila ni Coco dahil gumawa sila ng tatlong serye na sila ang magkatambal, ito ang Walang Hanggan, Ikaw Lamang at Wansapanataym presents The Treasure of Yamashita.

Kasalukuyang tampok si Julia sa serye na Doble Kara, na gaganap ng dalawang role bilang sina Kara at Sara.  Dalawang leading men naman ang katambal ni Julia, sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.

Nang tanungin kung ano ang pagkakapareho at pagkakatulad kay Coco ng dalawa, “Unfair naman na ikumpara ko sina Edgar at Anjo kay Coco dahil ilang beses pa lang ka­ming nagte-taping. Basta sa akin, the best pa rin si Coco,” giit ng aktres.

Doble Kara may subtitle paglabas sa TFC

Speaking of Doble Kara, magkakaroon din ito ng premiere this Monday, sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC), specifically in Australia, New Zealand and Guam.

Kilala si Julia worldwide dahil ipinapalabas na sa TFC noon pa man ang kanyang nakaraan na mga soap gaya ng Mara Clara, Walang Hanggan, Muling Buksan ang Puso at Ikaw Lamang.

Ang Doble Kara ay isa-subtitle sa English.

Directed by Emmanuel Palo and Jon Villarin, kabilang sa powerhouse cast ng Doble Kara sina Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John “Sweet” Lapus, Allen Dizon at Alora Sasam.

May espesyal naman na pagganap si Alicia Alonzo.

Sec. Mar at Sen. Allan, parehong hindi pinalad magkaanak sa kanilang mga asawa

Kapag natuloy ang tambalang DILG Secretary Mar Roxas at Senator Allan Cayetano at pinalad silang manalo bilang President at Vice-President, mapapansin na mayro’n silang pagkakapareha.

Pareho silang walang anak sa kani-kanilang asawa. Si Secretary Mar, sa newscaster na si Korina Sanchez at si Senator Allan, kay Taguig Mayor Leni Cayetano. Kung sabagay, may anak si Secretary Mar na lalaki, isang teenager na, sa isang dating beauty queen.

vuukle comment

ACIRC

ALICIA ALONZO

ANG

DOBLE KARA

IKAW LAMANG

JOHN LLOYD

JULIA

NBSP

ONE MORE CHANCE

STRONG

WALANG HANGGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with