^

Pang Movies

Coco at Maja parehong libreng maglandian?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

May naputol nga bang romansa sina Coco Martin at Maja Salvador, noong ginawa nila ang kanilang unang pinagtambalan na serye na Minsan Lang Kita Iibigin?

Ito raw kasi ang dahilan kung bakit sa isang Star Magic Ball ay nagkainitan sina Coco at Matteo Guidicelli.

Nagselos daw si Matteo dahil sulyapan nang sulyapan ang dalawa sa nasabing event.

Pero tapos na ‘yan dahil wala nang koneksiyon ngayon si Maja at Matteo dahil si Sarah Geronimo na ang mahal at nag-iisang girlfriend ng triathlete na si Matteo.

Si Maja naman ay kagagaling lang sa relasyon na nauwi rin sa hiwalayan kay Gerald Anderson.

Ngayon, parehas na silang walang sabit kaya libreng libre nang ligawan ni Coco ng pormal si Maja, anong say mo, Maja?

Marvin, nangongolekta ng mga restaurant!

Noong taon 2005, may nakapagtanong kay Marvin Agustin kung bakit ninais niya mag-retire sa showbiz at magpunta sa Amerika, ang sagot daw ni Marvin ay baka magtayo siya ng isang restaurant doon. Ang sabi naman ng kaibigan ni Marvin, bakit hindi na lang siya mag-stay put dito sa ‘Pinas at dito na lang din magbukas ng restaurant?

Sa ngayon, kilala na si Marvin bilang isang restaurant magnate na mayroon higit na 100 na restaurant ayon sa kanya, all over the country. Wow!

Ang pinaka-latest nga rito ay ang tinatawag niyang Bida Restaurant na kung saan ka-sosyo niya ang ka-loveteam na si Jolina Magdangal at asawa nito na si Mark Escueta.

Akalain n’yo ‘yun? Zoren mas yumayaman sa paggawa at pagbebenta ng bahay

Mula sa kanyang natata­nging pagganap sa kakatapos lang na seryeng Bridges of Love kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador, Paolo Avelino, at Edu Manzano, may bago na namang series si Carmina Villaroel.

Makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon si Julia Montes sa serye na Doble Kara.

Samantala, rest muna sa showbiz ang mister niyang si Zoren Legaspi, na huling umapir sa laging trending noon na Forevermore, bilang tatay ni Enrique Gil. Para sa mga hindi nakakaalam, sideline na lang for Zoren ang showbiz. Siya ngayon ay busy sa build and sell a house business niya, na obvious na obvious naman na makakapagbigay sa pamilya niya ng better income.

Pero siyempre, iba ang satisfaction na nadarama ko kung may ginagawa siyang series o pelikula, sabi ni Zoren.

Paano na ‘yan, Sen. Chiz?

Heart dadalawang putahe lang ang alam iluto!

Sinabi ni Heart Evangelista na nakakahiya mang sabihin na kahit lumaki siyang restaurant owner ang kanilang pamilya, hindi siya gaanong marunong magluto.

Sa katunayan, dadalawa lang ang alam niyang lutuin, ang steak at pasta.

Pero infairness kay Heart, to die for daw ang sauce niya!

Ngayon na kasal na nga siya kay Senator Chiz Escudero, pinaplano ng aktres na kumuha ng kursong culinary arts dahil mahilig daw kasi kumain ang kanyang asawa.

ANG

BIDA RESTAURANT

BRIDGES OF LOVE

CARMINA VILLAROEL

LANG

MAJA

MAJA SALVADOR

MARVIN

MATTEO

PERO

ZOREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with