Snooky ayaw nang magpaapi, expert na sa pagtataray!
MANILA, Philippines – Kung dati ay palaging inaapi-api lang ang drama ni Snooky Serna, ngayon ay super taray na niya at halos wala nang awa sa anak niya sa My Faithful Husband. Wala siyang pagmamahal sa anak na si Dennis Trillo kahit magpakababa ito dahil anak kasi ng lalaking sumira sa kanyang buhay ang papel ng actor.
Marami ang natutuwa sa muling nagbabalik-teleseryeng si Snooky. Nakakapagod din naman kasing manood kapag ang gumaganap ay walang maipakitang acting unlike Snooky. Masaya siya dahil visible siya palagi sa mga programa ng Kapuso Network. Kamakailan lang ay nag-guest siya sa Celebrity Bluff at Eat Bulaga.
Kahit bida sa indie, Luis talo sa billing ni Mon Confiado
Hanga si Direk Arlyn dela Cruz sa ipinakitang pag-arte ni Luis Alandy na kinuha niyang bida sa pelikulang Mandirigma. Noong una, si Derek Ramsay daw sana ang magbibida sa pelikula kaso nagkaproblema ito kaya si Luis ang ipinalit kasama sina Inah Feleo, Mark Solis, at Mon Confiado.
Matagal nang pangarap ni Luis na makaganap sa isang maaksyong pelikula. Nagpapasalamat siya dahil pinagkatiwalaan siya ni Direk Arlyn na maging bida sa pelikulang idinidirehe. Nag-first screening na sila sa SM Aura at sisikaping maipalabas sa iba pang sinehan.
May nang-iintriga pa nga, bakit daw mas malaki ang name ni Mon sa billing? Ang naging kasagutan, almost three hundred movie na ang nagawa ni Mon kumpara sa ibang kasama sa pelikula. Hindi ba, Salve A.?
Fans apektado na sa ‘pagpapahirap’ ni Wally kay Alden
Matagal-tagal na rin sa showbiz si Alden Richards pero parang ngayon lang talaga siya napapansin. Magbuhat nang ipareha sa kanya si Yaya Dub (Maine Mendoza), biglang bukambibig ngayon si Alden kahit temang komedya ang Kalye Serye nila.
Naapektuhan na nang todo ang mga tagahanga dahil sa pang-aapi sa kanya ni Lola Nidora (Wally Bayola).
May nagsa-suggest, bakit daw hindi ipasok ang premyadong aktres na tita ni Alden para mawakasan ang pang-aapi rito? Sa totoo lang, matagal na siyang hina-hunting ng magaling na aktres at wala raw sinumang puwedeng makapang-aapi sa kanilang pamilya, tulad ng ginagawa ni Lola Nidora.
- Latest