^

Pang Movies

Kung kailan nagiging close na ang mag-ama AiAi nagdadalamhati, ama ni Sancho Vito pumanaw na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nalungkot si AiAi delas Alas nang malaman niya na namatay na si Rey Malte Cruz, ang ama ng kanyang anak na si Sancho Vito na contract star ng GMA Artist Center.

Pumanaw kahapon si Rey at sa pagkakaalam ni AiAi, diabetic ang tatay ni Sancho.

Hindi naman inilihim ni AiAi kay Sancho ang katotohanan pero hinintay muna niya na lumaki at magkaroon ng isip ang kanyang anak.

Maganda at maayos ang pagpapalaki ni AiAi kay Sancho kaya hindi ito nagdamdam o nasaktan nang malaman niya na iba at hindi si Miguel Vera ang kanyang tunay na ama.

May constant communication si Sancho at ang biological father niya. Inilabas pa nga ni Sancho ang Father’s day picture nila ng kanyang ama.

Sad si AiAi dahil kung kailan nagiging close si Sancho sa biological father nito, saka naman namayapa si Rey.

Nakikiramay ako at ang staff ng PM (Pang-Masa) kay Sancho at sa pamilya na naulila ni Rey.

Sancho hindi nagrebelde sa nakagisnang ama

Kahit nakilala ni Sancho ang kanyang biological father, hindi nagbago ang pakikitungo niya kay Miguel.

Papa pa rin ang tawag ni Sancho kay Miguel at close sila. Si Miguel ang nakagis­nan na ama ni Sancho noong bagets pa ito.

Matagal nang nag-migrate si Miguel sa U.S. pero hindi nawawala ang komunikas­yon nila ni Sancho.

Katamaran ni Sef mapapanood na!

Last day na pala kahapon ng Alamat, ang animated television show ng GMA 7.

Sa tanda kong ito, pinapanood ko ang Alamat kaya mami-miss ko ito.

Ang Juan Tamad na tinatampukan ni Sef Cadayona ang ipapalit ng Kapuso Network sa Alamat. Magsisimula sa susunod na Linggo, August 23, ang Juan Tamad.

Alden wala nang panahon sa sarili

Na-realize ko kahapon na napapanood pala sa TV si Alden Richards from Monday to Sunday kaya halos wala na siyang oras para sa sarili.

Mula Lunes hanggang Sabado, mainstay si Alden ng Eat Bulaga at tuwing Linggo, makikita siya sa Sunday PinaSaya.

Hindi nagrereklamo si Alden dahil gustong-gusto nito ang kanyang mga ginagawa at ang lahat ng mga nangyayari sa career niya.

Hindi natatapos sa Eat Bulaga ang trabaho ni Alden dahil may mga out-of-town show siya at tapings para sa ibang mga TV guesting.

Nagbunga na nga ang mga pagsisikap at pagtitiyaga ni Alden sa showbiz at kung nasaan man ang kanyang namayapang ina, tiyak na maligayang-maligaya. Ang nanay ni Alden ang nagkumbinsi sa kanyang anak na pasukin nito ang showbiz.

Marian ang gaan-gaan pa rin ng katawan kahit malaki na ang tiyan

Nakakaloka si Marian Rivera sa Sunday PinaSaya dahil hitsurang malaki na ang kanyang tiyan, dance pa rin siya nang dance.

Parang hindi buntis si Marian dahil ang gaan-gaan ng kanyang katawan habang sumasayaw. Kapag maluwag ang mga damit na suot ni Marian, hindi pa rin halata ang baby bump niya dahil hindi naman nagbago ang korte ng kanyang mukha at katawan.

Beteranang aktres inaabangan nang makatsikahan

Sunud-sunod na naman ang mga presscon dahil sa mga bagong programa na malapit nang mapanood sa TV.

Wish ko lang, huwag umulan nang malakas or else, masisira ang schedule ng mga reporter na maglalagare sa mga presscon dahil konting ulan lang sa Metro Manila, terible agad ang trapik.

Bukod sa press launch ng mga new TV show, hinihintay ang pagsasalita ng isang respected veteran actress. May kalayuan ang venue pero sasadyain ko dahil ayokong ma-miss ang mga sasabihin ng aktres na iginagalang ko at ng buong entertainment industry.

ALAMAT

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

HINDI

KANYANG

MGA

MIGUEL

NANG

SANCHO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with