^

Pang Movies

Vice Ganda nakahanap ng katapat!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang nagkaroon ng bagong reyna ang GMA-7 na talagang inabangan sa Eat Bulaga tuwing tanghalian, walang iba kundi si Yaya Dub o Maine Mendoza sa totoong buhay.

Maging mga OFW ay kilala si Yaya Dub at naging paborito nila.

Mistulang sumasanib naman sina Babalu at Bella Flores kay Wally Bayola kapag umaarte sa tanghalian.

At si Alden Richards naman na dating gwapo lang sa paningin ng mga tagahanga ay biglang sikat simula nang ipareha kay Yaya Dub.

Magandang combination silang dalawa. Fresh na fresh. Ang maganda kay Yaya Dub, hindi umaakyat ang hangin sa kanyang ulo as in, totoong tao at hindi apektado ng kasikatan ngayon.

Si Yaya Dub lang pala ang magiging katapat ni Vice Ganda ng It’s Showtime.

Gerald sumugod sa screening  ng pelikula ng kapatid

Mabait na kapatid talaga si Gerald Anderson, alam n’yo bang kahit busy siya ay sumunod pa siya sa SM Aura, para manood ng pelikulang Mandi­rigma directed by Arlyn dela Cruz, dahil kabilang sa pelikula ang kanyang utol na si Ken Anderson. Suportado daw niya ang kanyang utol na hilig din ang pag-arte.

Bida sa naturang movie sina Luis Alandy, Inah Feleo at Mon Confiado at iba pa.

Lovely, sinigawan ng walang takot si Ping!

Wala pa rin kupas ang beauty at galing sa pag-arte si Lovely Rivero sa te­leseryeng Beautiful Strangers. Tinilian niya ng katakut-takot si Ping Medina, nang muli silang magkita dahil iniwan siya nito noong araw. Si Lovely ay malimit naming makasama sa mga Santa Cruzan noong araw bilang Reyna Elena. Ngayon mapapansing medyo lumaki si Lovely.

Jeric Naval matikas pa rin ang tindig

May movie si Jeric Naval, ang Police Manila na sinu-shooting niya ngayon under the direction of William Mayo. Matikas pa rin ang tindig ni Jeric, tipong palaban at may ibubuga. Kulang tayo sa action picture, kaya dapat tangkilikin natin ang pelikula ni Jeric.

Personal..

Get well soon Ethel Ramos. Kaya mo yan, ikaw pa!      

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BELLA FLORES

EAT BULAGA

ETHEL RAMOS

GERALD ANDERSON

JERIC NAVAL

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with