^

Pang Movies

Ningning pinag-uusapan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe ang followers ni Ningning, ‘yung bagong TV series ng ABS-CBN na napapanood bago mag Showtime. Kaya ko nasabi ito dahil pinag-uusapan ng mga high school students na nagkakandarapa sa isang convenience store sa pagbili ng anik-anik na lafang na mga mahal, pero hindi naman kasarapan. Lasang nganga ‘yung isang klase ng kanilang sandwich.  Si Ningning ang topic nila.  Pati si Ketchup, si Beauty, na-ookeyan sila sa tambalan nila.  Ibig lang sabihin, may taste ang mga students, keseng ang ingay nila, nagsisigawan.

Willie pinaluha ng GMA

Ang tagal na naming hindi nakakaharap si Willie Revillame, yes, nakikita namin siya kahit nang magbalik-TV ang dating programa niya from ABS-CBN to TV5 at now GMA-7.

Iilang buwan pa lamang siya at ang Wowowin, ng walang kaabug-abog binigyan siya ng GMA-7 ng napakainit na pagsalubong sa pamamagitan ng presscon.

Kaya laki ng pasasalamat at kasiyahan ng TV host dahil sa rami ng pinagdaanan niya, na hindi lahat ay maganda, masaya, malungkot, masakit, anik-anik pa, hindi siya nasiraan ng loob.  Naging matatag siya at ang lahat ay knows ni Willie na malalampasan niya.

Alam daw niya na parang sinusubukan siya ng Diyos, feeling daw ni Willie may gustong mensahe si Lord Jesus sa kanya kaya hindi siya nag give up!

At ngayon na, binuksan ng GMA-7 ng maluwag ang kanilang pintuan hudyat na tapos na ang mga pagsubok at binigyan na ng maluwag na paghinga si Willie matapos ang maikling panahon, umaarangkada ang Wowowin.

Masinsinang nag-usap ang both parties nina Willie at ng network.  Ang pinaka-surprise at nagpatulo ng luha ni Willie ay ang pagbigyan ang kanyang request na mas maaga sa dating 3:30 ng hapon ang kanyang show.  Instead na 3:30 pm ginawa ng GMA 7 na 2:00 ng hapon.  Para raw hindi late at gabihin ang mga manonood specially ang mga lolo/lola, lalo pa’t ngayon na “ber” na next month, madaling dumilim at umuulan-ulan pa.

As usual, walang inalis na portion sa show, nandoon pa rin ang Bigyan ng Jacket Yan, Will of Fortune, at Song Tanong na ang pemyo pag sinuwerteng manalo ang lucky player ay P1 million; house and lot at kotse.

Green Pasture dinagsa!

Sayang, ang daming nag-text sa amin tungkol sa free eye check up ng Green Pasture Clinic sa Golden City (Sta. Rosa, Laguna) headed by Dr. Venus Caballes-Seron.  E, kasi ginanap ito last August 5 sa clinic na halos ga-tuldok sa paningin ng araw na ‘yon sa dami ng mga dumating na pasyente na may problema sa mata.

Malaking bagay ‘yung free eye check up, dahil may kamahalan.

Mayroon ding tinatawag na Magic 8 ang araw na yun para naman ito sa check up ng diabetes, cholesterol, high blood at iba pa.  Si Dr. Venus ang aming doctor sa aming diabetes.

Get well soon

Get well soon, Ethel Ramos!  God is good!  Hindi tayo pababayaan. Si Saint Padre Pio.  Si Mama Mary.  Si BFF St. Jude Thaddeus. Prayers also for Rommel Galapon, Cezar Pambid at Ruben Marasigan.  For past recovery.

ANG

CEZAR PAMBID

DR. VENUS

DR. VENUS CABALLES-SERON

ETHEL RAMOS

GOLDEN CITY

GREEN PASTURE

GREEN PASTURE CLINIC

HINDI

JACKET YAN

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with