^

Pang Movies

Elizabeth Ramsey nakaka-recover na, gusto na uling pumapak ng lechon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Salamat naman at maganda na ang kalagayan ngayon ng comedian at singer na si Elizabeth Ramsey. Akala nila noong una na-stroke na siya, tumaas lang pala ang blood sugar. Nakaka-recover na siya ngayon at noong isang araw nga raw ay nagbibiro pang nagpapabili ng paborito niyang lechon.

For the record, ilang dekada nang tumatakbo ang kanyang career bilang singer at comedian, at hanggang ngayon ay hinahangaan pa rin siya. Nagsimula siya panahon pa ng vaudeville, hanggang ngayon nandiyan pa rin siya at natatawa pa rin tayo sa mga pakulo niya.

Palagay namin marami pang mga taong pahahangain si Elizabeth Ramsey. Wala naman kasing makakagawa ng mga ginagawa niya eh. Siya lang ang nakakapagbirong girlfriend siya ni President Manuel Quezon kahit na kaharap iyon. Nabibiro din niya ng ganoon si Presidente Marcos noong araw kahit na kaharap pa ang first lady na si Imelda. Ewan lang kung bakit hindi siya nakapagbiro na naging girlfriend din siya ni P-Noy.

Mga survery firm biglang nagkasundo

Ngayon lang tila nagkakaisa ang dalawang kinikilalang survey firms, iyong Kantar Media at AGB Nielsen sa resulta ng kanilang mga survey. Pareho silang nagsasabi na top rater sa primetime iyong seryeng Pangako sa Iyo ni Daniel Padilla, at kung daytime naman ay nangunguna ang Eat Bulaga na sinasabi nilang dalawang araw na nakagawa ng all time high at dahil iyon sa AlDub loveteam.

Gaya nga ng sinasabi namin, ibinibigay nila ang credits doon sa AlDub at hindi nila halos nababanggit ang mga main host ng show na sina Tito, Vic and Joey na siyang nagpanatili noon nang mahigit nang tatlong dekada. Mukhang hindi rin nabibigyan ng kredito sina Jose at Wally na siya naman talagang nagsimula ng segment na sinalihan ni Yaya Dub. Ni hindi nila binibigyan ng kredito ang malakas na followers din noong mga kasali sa That’s My Bae. Ang basehan nga siguro ay ng katotohanang iyon AlDub lang ang pinag-uusapan kahit na sa social media, at sinasabing hinahangaan at sinusundan maski ng mga artista.

Iyang nangyayaring iyan, hindi natin maikakaila na “cause for panic” na para sa kalabang show.

Palagay namin, mahirap din naman nilang banggain iyan sa ngayon. Parang Daniel Padilla din iyan eh. Sabayan mo iyan para mo lang iniumpog ang ulo mo sa pader. Dapat hintayin na lang nilang magsawa ang mga tao dahil novelty lang naman iyang dubmash, kung mawawala iyan, mawawala rin iyang si Divina Ursula Bokbokova Smash o Yaya Dub. Iyon ay kung hindi makabalikwas agad si Yaya Dub at makalusot naman bilang Maine Mendoza.

vuukle comment

ANG

DANIEL PADILLA

DIVINA URSULA BOKBOKOVA SMASH

EAT BULAGA

ELIZABETH RAMSEY

KANTAR MEDIA

LANG

MAINE MENDOZA

MGA

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with