^

Pang Movies

Sen. Chiz excited makasama ang pamilya ng asawa, Heart pakakasalan uli

- Vinia Vivar - Pang-masa

Anim na buwan pa lang ang nakakalipas matapos ang kanilang romantic na kasalan sa Balesin Island noong Pebrero 15 ngunit muli na namang nag­hahanda si Sen. Chiz Escudero upang pakasalan ang kanyang maybahay na si Heart Evangelista sa kanilang first wedding anniversary sa susunod na taon.

Pero ayon sa senador, hindi naman daw isang “full-blown wedding” ang magaganap kundi isang simpleng renewal of vows at kaunting salu-salo ang inihahanda niya sa kanilang bahay sa Quezon City.

Ang isa pang malaking pagbabago, kasama na ang pamilya ni Heart sa nasabing pangalawang kasalan.

“Simple lang hong seremonya iyon. Kami-kami lang ho para ho may litrato kami na kapiling ang kanyang mga magulang,” sabi ng senador sa isang panayam sa radyo kamakailan.

Magsisilbi rin daw itong pasasalamat para sa magandang relasyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya matapos ang naunang hindi pagkakaintindihan.

Sey ni Chiz, masayang masaya siya ngayon sa mga nangyayari sa kanilang buhay ng maybahay.

Maihahalintulad daw sa isang “fairy tale” ang kanilang buhay mag-asawa ni Heart sa nakalipas na anim na buwan.

“It’s showing in her art. Nagpipinta si Heart, hindi lamang painting, pero sa bag na rin, sa damit. It shows in her artistic side perhaps, na maganda ang lugar na kinakalagyan niya. Hindi na madilim mga painting niya, maliwanag yung mga painting niya,” saad ng senador.

KC hindi rin nakapagpigil sa mga basher

Halatang galit ng slight si KC Concepcion sa kanyang tweet tungkol sa kanyang mga bashers.

“Nakakasad buhay ng haters, at nakakatawa. Haters nga pero focused sayo. Andaming effort & ENERGY! Flattered ako sa atensyon mga teh!” tweet ni KC sa kanyang Twitter account.

Wala namang na-mention ang aktres kung anon’g issue in particular ang bina-bash sa kanya pero ang nakakatuwa naman, ang daming nagkomento nang positibo sa tweet niya at sinuportahan siya nang bonggang bongga.

Ang iba’y nagpayong huwag na lang pansinin ang mga bashers dahil marami naman ang nagmamahal sa kanya. Ang iba nama’y nagkomento kung gaano nila kamahal ang aktres kaya dedma na lang.

Sarah Lahbati nasa Kapamilya na!

Ikinagulat ng marami ang pag-appear at pagpe-perform ni Sarah Lahbati sa ASAP last Sunday. She performed a hot dance number kasama sina RC Muñoz, Michelle Madrigal and Bela Padilla.

Pagkatapos ng prod number niya ay nag-trending agad siya sa social media at ang daming pumuri sa kanya kasabay ng tanong kung nag-transfer na ba siya sa Kapamilya Network.

Positibo rin ang comment ng mga netizens if ever nga na nasa ABS-CBN na siya at mas okay nga raw kung true na Kapamilya na siya.

Pinuri rin nang bonggang bongga ang beauty at pagka-sexy ni Sarah.

Kaya naman super-thankful ang girlfriend ni Richard Gutierrez sa kanyang Twitter account sa lahat ng mga nanood at nag-cheer sa kanya.

“Thank you for trending and wat­ching ASAP you guys are so sweet,” tweet ni Sarah.

Well, kung hindi pa Kapamilya si Sarah, hindi malayong kunin na talaga siya kung ganyan katindi ang reaction ng netizens sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BALESIN ISLAND

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

HINDI

KAPAMILYA

KAPAMILYA NETWORK

MGA

MICHELLE MADRIGAL AND BELA PADILLA

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with