^

Pang Movies

Starlet ang ka-casual sex! Bag ni aktor sandamakmak na condom ang laman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang active siguro ang sex life ng male starlet na ito.

Kuwento kasi ng aming source na nakita raw niya sa mga gamit ng male starlet ang isang bag at punung-puno ito ng iba’t ibang klase ng condom.

Minsan kasi ay nagmamadaling pumunta ng banyo ang male starlet sa loob ng dressing room. Noong ipatong niya sa lamesa ang knapsack niya ay nahulog ito at sumabog daw ang mga condom sa sahig.

“Naku, pulang-pula ang mukha ni male celebrity dahil sa hiya!” tawa ng a­ming source.

“Tagaktak ang pawis niya noong mabuking ang laman ng bag niya. Tinulungan naman siya ng mga kasama niya sa dressing room na pulutin ang mga condom niya.

“Pero nagtawanan na lang silang lahat. Buti na lang daw at puro sila lalaki sa loob ng kuwarto.

“Bilang pasasalamat, pinamili niya ang mga ito ng condom na gusto nila.”

Sa isang interview ng male starlet, sinabi nito na hindi raw aktibo ang kanyang sex life dahil wala naman daw siyang karelasyon ngayon. Puro raw siya trabaho kaya nakakalimutan na raw niya ang ilang pangangailangan ng kanyang katawan.

Hirit pa ng aming source: “Hindi totoo ang chika ng male starlet na ‘yan. Mahilig kaya ‘yan!

“Kung hindi active ang sex life niya, bakit marami siyang condom sa bag? Ano ‘yun kolek­syon niya?”

Balita na ang isang sexy female starlet na nakasama ni male starlet sa mga regional shows ang kanyang casual sex partner ngayon.

Matagal na raw may nangyayaring milagro sa kanila.

Type na type kasi ni female starlet ang male starlet. Kinukwento pa nito kung gaano kakinis daw ang balat nito. Hanggang doon daw sa mga tinatago nitong mga parte ay makinis din.

“Kaya sigurado raw si female starlet na certified mestizo ang male starlet at hindi idinaan sa pag-inom ng glutathione or paggamit ng papaya soap ang pagi­ging makinis nito,” sabay tawa pa ng source namin.

Jaya muntik nang talikuran si Lord!

Nagbigay na ng update ang Soul Diva na si Jaya sa kalagayan ng kanyang inang si Elizabeth Ramsey.

Nilinaw ni Jaya na hindi na-stroke ang kanyang 83-year-old na ina kundi nagkaroon ito ng seizure sanhi ng hyperglycemia o ang pagdami ng glucose sa dugo nito.

Nag-post si Jaya sa kanyang Facebook account ng kanyang pasasalamat sa lahat na nagdasal para sa kanyang ina.

“Praise God for His mercy. Mama Beth Ramsey did NOT have a stroke. Instead a seizure due to diabetes/hyperglycemia. She is moving and is recovering fast and communicates constantly. AYAW NA RAW NYA SA OSPITAL!!! Thank you all very much for all the prayers. God bless you Mama and all of you who sent love and hugs!!! We love all of you!”

Inamin ni Jaya na nataranta siya nang ipasok sa Intensive Care Unit ng Philippine Heart Center ang kanyang ina noong nakaraang August 8.

Tatlong oras daw na inatake ng seizure ang kanyang ina kaya hinanda na raw ni Jaya ang kanyang sarili sa anumang mangyayari.

“Hindi ko alam kung magbe-breakdown ba ako o magagalit ako sa Diyos. Akala ko ay masu-surrender na ako.

“Kaya ako humingi ng dasal sa mga kaibigan namin ni Mama.

“Noong unti-unti nang tumigil ang seizure niya, l­a­­­­­­kin­­­g pasasalamat ko kay Lord,” diin pa ni Jaya.

Dahil sa stable na raw ang lagay ni Mama Beth, ilalabas na ito sa ICU. Kapag puwede na raw lumabas ito ng ospital, kay Jaya na ito titira para mabantayan niya.

“Sa atin na titira si Mama Beth. I will make sure that she is loved and well taken care of,” pagtatapos pa ni Jaya.

Nicki Minaj kinumpirma sa concert ang kanyang pagbubuntis!

Ayaw pang kumpirmahin ng female rapper na si Nicki Minaj kung totoong buntis siya.

Nahulaan nga ng fans ni Nicki Minaj nang tawagin nito ang kanyang fiancé na si Robert “Meek Mill” Rihmeek na “baby father” sa isang concert niya sa Burgettstown, Pennsylvania.

“Make some noise for my baby father,” pag-announce ni Minaj sabay nagsigawan ang buong audience.

Noong December 2014 pa nagsimulang mag-date si Minaj at Mill. Noong April 2015 ay ipinagmalaki ni Minaj ang isang heart-shaped ring sa kanyang daliri. Ito na raw ang engagement ring niya from Mill.

Sa isang magazine interview, sinabi ni Minaj na hindi pa raw sila handang magpakasal.

“Our relationship is definitely real, but it ain’t really time to get married yet.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ITO

JAYA

KANYANG

MALE

MINAJ

NIYA

RAW

SHY

STARLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with