KathNiel at JaDine ginawang panangga sa Sunday PinaSaya!
MANILA, Philippines – Pinambala talaga ang ASAP 20 ang loveteams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at nina James Reid at Nadie Lustre sa pilot telecast ng GMA’s Sunday Pinasaya kahapon.
Eh, hindi naman nagpakabog sa trending sa Twitter ang comedy variety show nina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, at iba pa dahil nasa Top 10 din ito, huh!
Worried siyempre ang taga-ASAP dahil any moment ay baka bumati si Yaya Dub kay Alden Richard’s sa show kahit na VTR lang ito. Malay natin, sa susunod na episodes ng Sunday PinaSaya ay magpasilip si Yaya Dub ng pagpapakyut kay Alden, huh!
Eh sa It’s Showtime nga, kapag lumalabas na ang KalyeSerye ng Al-Dub, nilalagyan ng audio ang TV monitor nila upang maging updated sa nangyayari sa katapat na show, huh!
Alden at Yaya Dub, ilalahok din sa MMFF?!
Makikipagbakbakan din pala si Vhong Navarro sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) and worse, makakabangga niya ang kapwa niya host sa It’s Showtime na si Vice Ganda, huh!
Base sa nakita naming pics ng festival entry na Death & Senses ng Quantuam Films, si Vhong ang pinakamalaking artistang pambato sa takilya ng movie. Ilan sa cast ng horror-comedy film ay sina Rayver Cruz, at ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez.
So tatlong komedyante ang labu-labo sa Pasko dahil bukod kina Vice at Vhong, may entry rin si Vic Sotto na kapareha si AiAi delas Alas.
‘Yun nga lang, dahil sa sikat ngayong Alden Richards at Yaya Dub loveteam na nagmula sa Eat Bulaga, may bulung-bulungan na isasama raw sa cast ang AlDub loveteam sa movie nina Vic at AiAi kaya kinakabog na raw ang ibang entries, huh!
As we all know, kung ang Enrique Gil at Liza Soberano ang sinasabing breakout loveteam early this year, ang AlDub loveteam naman ang most phenomenal tandem ng huling bahagi ng taon!
Sa last Saturday episode ng Eat Bulaga, number one trending sa Twitter nationwide at worldwide ang #AlDubWeBelongTogether, huh! At hindi gimik ang pagdala sa ospital ni Yaya Dub kung saan pinagkaguluhan din siya ng mga tao sa isang ospital sa San Juan!
Bea walang reklamo kahit matagal natengga
Huhusgahang muli ang kakayahan ni Bea Alonzo sa takilya sa movie na The Love Affair. Wala si John Lloyd Cruz na kapareha niya dahil ang dating lovers na sina Dawn Zulueta at Richard Gomez ang kasama niyang magdadala ng movie.
As we all know, box-office star si Bea as proven by her string of box-office hits.
Eh, ang kapuri-puri kay Bea, kahit wala siyang regular TV shows after ng huli niyang Sana Bukas Pa Ang Kahapon last year, walang reklamong naririnig, huh! Hindi siya kagaya ng ibang artista na mabakante lang ng ilang buwan eh, ngumangalngal na!
Malalaman din sa movie kung kakabugin ni Dawn si Bea pagdating sa aktingan, huh!
- Latest