^

Pang Movies

Kasal ng pinatay na si Ozu Ong at girlfriend walang bisa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May isa pang balita na ikinagulat namin. Ikinasal daw ang pinaslang na singer na si Ozu Ong sa kanyang live in partner, na ina rin ng kanyang dalawang anak, kahit na siya ay yumao na. Sinasabing naganap ang kasalan habang nakaburol pa si Ozu. Naging pribado lamang daw ang kasalan at hindi na nila pinayagan pang makunan ng footage ng media.

Pero ang ganyang kasal, ay maaaring symbolic para sa kanila dahil talaga naman daw may balak silang pakasal sa December sana kung hindi napaslang si Ozu. Pero ang kasal na iyan ay walang legal bearing. Kasi nga noong ikasal si Ozu ay patay na siya. Alam naman natin na ang kamatayan ang siyang tumatapos sa obligasyon sa kasal, eh di lalo na iyong patay na nang ikasal. Iyong kasal kasi ay kasunduan, papaanong makikipagkasundo iyong yumao na? Pero siguro naisip nila na ang pakikipagkasundo ni Ozu ay “presumed” dahil may anak na nga siya sa kanyang live in partner.

Kung ang pagbabatayan naman ay ang tuntu­nin ng simbahan, lalong hindi maaaring ikasal ang isang taong yumao na. Kasi maliwanag sa tuntunin ng simbahan na ang isang sakramento kagaya ng kasal ay para sa buhay lamang. Walang sakramentong iginagawad sa mga patay. Iyong patay na, bendisyon na lamang ang puwede. Iyong ben­disyon ay hindi naman isang sakramento. Para sa simbahan iyon ay “sacramental” at malaki ang pagkakaiba noon.

Willie handang ibenta ang mga ari-arian para lang may maipambayad sa GMA

Kung iisipin mo, napakalaking bagay na ang itinulong ng GMA-7 kay Willie Revillame. Una, ni-retain nila ang show niyang Wowowin, at binigyan pa nang mas maaga at mas mahabang oras, dahil sinasabi nga nilang nahirapan siyang ibenta sa mga sponsors ang dati niyang time slot na masyado nang late for Sunday afternoon. Pero iyong late afternoon time slot ay sinasabing prime time noong nakalagay pa roon ay mga showbiz talk shows. Bukod doon, binigyan pa siya ng discounted blocktime rate. Hindi nila sinabi kung magkano ang discount, pero siguradong hindi na iyon kagaya ng dati na two million pesos per hour, na sinasabing siyang nagpahirap ng husto kay Revillame.

Kasi iyan namang show na iyan, talagang pinilit ibalik ni Willie matapos ang isang taong mahigit na nawalan siya ng tv. Ang huli niya ay ang itinigil na show sa TV5. Talagang kinagat niya lahat ma­ging ang medyo mabigat ng kundisyon. Isipin ninyo, nagpatayo siya ng sarili niyang studio dahil mayroon siyang requirement para sa kanyang show. Siya ang gumagastos sa produksiyon na natural lang naman dahil siya ang producer noon. Siya pa ang nagbabayad sa network.

Kalabas-labas, inamin niyang sa loob lamang ng ilang buwan ay nalulugi na siya ng limampung milyong piso.

May mga usapan pa nga, nakahanda na raw si Willie na magbayad ng separation pay sa kanyang mga tauhan, dahil ititigil na muna niya pansamantala ang kanyang show habang wala siyang naku­kuhang mas magandang deal. Kasi nilalakad niyang maging daily show siya sa prime time kahit na nga kalahating oras man lamang. Mabuti naman ang GMA-7, dahil hindi nga nila maibigay ang isang daily time slot, nagbigay sila ng isang counter offer na mas mahusay kaysa sa dati niyang time slot. Naging posible naman kasi iyon dahil nagpalit din sila ng dati nilang musical variety show na ngayon ay outside produced na rin.

Ngayon sinasabi ni Willie na happy na siya sa bago niyang deal, at pagsisikapan na niyang mai-maintain iyon hanggang sa makakuha na siya ng daily show. Nalugi nga siya, pero sinasabi niyang may iba pa naman siyang properties na maaaring i-give up kung kailangan ng dagdag pang puhunan.

ACIRC

ANG

DAHIL

IYONG

KASI

NAMAN

NIYANG

OZU

PERO

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with