Aktor jackpot , Mariel at Robin tatlo ang nabuo sa Spain!
‘Maria, Juan at Gabriella de Padilla’ na ang nakahandang pangalan ni Robin Padilla kung magiging triplets nga ang magiging anak nila ng asawang si Mariel Rodriguez. Naka-confine ngayon si Mariel sa Asian Hospital at nag-post si Robin sa kanyang Instagram (IG) account na pwede raw maging triplets ang isisilang ng asawa.
Ayon kay Dra. Manalo, pwede raw maging triplets o twins sila, iyong isa may heartbeat na, iyong isa ay nagpu-form na ng fetal pole at iyong isa may sac (parang bag na may liquid) at iba-iba ang mga age nila. Tuwang-tuwa raw si doktora pero may mga test pa raw siyang gagawin kay Mariel para masiguro ang possibility na twin o triplets nga ang isisilang nito.
Kababalik lamang ni Robin mula sa Spain sa pananaliksik niya ng family tree ng mga Padilla. Nakasama niya roon si Mariel kaya sabi nga made in Spain ang magiging anak nila. Naunang bumalik ng Pilipinas si Mariel at ang magandang balita ang sumalubong kay Robin sa kanyang pagbabalik. Kaya nagpasalamat si Robin sa lahat: “God willing in Sha Allah maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng inyong mga dasal at malalim na suporta kay @organicaholic_mariel.”
Volleyball superstar na si Alyssa Valdez hindi ramdam na sikat na
Hindi lamang pang-volleyball players ang height ng mga bagong PLDT Home Ultera Barkada ambassadors na dumalo sa presscon, kungdi pang beauty queen rin. Dumalo sa launch sina Alyssa Valdez. 5’8” of Shakey’s V-League, Dindin Santiago, 6’2” and Jaja Santiago, 6’5” also from Shakey’s V-League at si Peter Torres. Pansin ang hirap ni Alyssa na maglakad sa kanyang high-heeled shoes at biro niya, kinarir niyang magsuot ng heels dahil siya ang pinakamababa sa dalawa pa niyang kasamang tinaguriang Twin Towers na parehong naka-flat shoes lamang.
Ayon kay Gary Dujali, PLDT Vice President at Home Marketing Head, kinuha raw nila ang mga top volleyball players to endorse their new Ultera dahil sabi raw ng mga sports analysts, ang volleyball na raw ang new basketball ngayon. Ipinaliwanag din ni Gary kung paano mag-avail ng Ultera na fastest growing broadband ngayon. May speed itong 10 Mbps with ultra-fast LTE connection. Biro pa ni Gary, ikinakabit ito sa bubong ng bahay ninyo at hindi ito pwedeng manakaw. Kung manakaw man daw, hindi rin ito magagamit ng kukuha dahil may serial number ito. Weather proof din ang Ultera at may install patrols na magkakabit nito sa inyong bubong.
Bilang isang pribadong tao, hindi pa napi-feel ni Alyssa ang pagiging superstar niya, pero masaya siya na nakasama siya as one of the ambassadors. Akala naman daw ni Dindin, na mga artista lamang ang makikilala, si Jaja, nararamdaman na rin niya na sikat siya kapag nagpu-promote sila ng PLDT Home Ultera sa mga bayan na pinupuntahan nila. Si Peter naman, gusto niyang ma-inspire niya ang mga kapwa niya Pilipino na maglaro na rin ng volleyball.
Ang iba pang Ultera barkada ay sina Rachel Daquis, Ara Galang, Mika Reyes at John Vic de Guzman, pero hindi sila dumalo sa presscon.
PLDT HOME Ultera delivers Ultra-Fast LTE for a Happy Family with Internet speeds of up to 10 Mbps. Plans start at P999 a month. Para malaman ang iba pang ultra-fun offers, mag-log on lamang sa pldthome.com.
- Latest