Kaya Jane Birkin ipinapatanggal na ang pangalan Mga buwaya nauubos na sa paboritong bag nina Jinkee, Kim, Kris at iba
Ipinapatanggal na ng English singer-actress na si Jane Birkin ang kanyang pangalan sa luxury brand bag ng Hermes na “Birkin Bag” dahil nais niyang protektahan ang mga buwaya kung saan nanggagaling ang material na paggawa sa naturang luxury bag.
Naglabas ng kanyang official statement si Birkin na isa sa pumirma sa petition na Mercy For Animals.
“I have asked Hermes to rename the Birkin Croco until they adopt better practices that meet international standards for the production of this bag.”
Namulat sa katotohanan si Birkin na maraming reptiles ang pinapatay taun-taon para lang makuha ang mga balat nito upang gawing handbags, shoes, belts, at iba pang accessories.
Sumang-ayon kay Birkin ang PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) at nag-release sila ng video na pinapakita ang walang awang pagbalat sa mga buhay pang mga reptiles sa isang farm para lang masuplayan ng mga ito ang mga luxury brands tulad ng Hermes.
Naglabas ng statement ang Hermes at sinabing nirerespeto nila ang kahilingan ng actress-singer na mahiwalay na ang pangalan nito sa brand nila.
“Hermes respects and shares her (Jane Birkin’s) emotions and was also shocked by the images recently broadcast. Her comments do not in any way influence the friendship and confidence that we have shared for so many years.”
Naimbento ang Birkin Bag noong 1981 nang magkasabay sa isang flight si Jane Birkin at ang may-ari ng Hermes na si Jean-Louis Dumas.
Naghahanap si Jane ng isang handbag na kasya ang mga puwede niyang dalhin sa loob ng eroplano. Lahat daw kasi ng handbags that time ay maliliit. Doon na nabuo ang concept ng Birkin Bag.
Simula noon ay naging isang luxury brand na ang Birkin Bag na umaabot ang retail price up to 20,000 euros or $22,096.
Ang pinakamahal na Birkin Bag ay ang Fuchsia Hermes Crocodile Birkin na may diamond-studded clasp and lock na nabenta on auction in Hong Kong for $222,000 or P10,212,000!
Ang Birkin Bag ay ang paboritong luxury bag ng mga A-list celebrities tulad nila Jennifer Lopez, Julia Roberts, Sarah Jessica Parker, Sandra Bullock, Jessica Simpson, Lindsay Lohan, Lady Gaga, Eva Longoria, Kim Kardashian, Victoria Beckham, Kimora Lee, Jennifer Aniston at marami pang iba.
Maging dito sa atin, makikitang bitbit ang saksakan na mahal na Birkin Bag nina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Jinkee Pacquiao, Gretchen Barretto, Heart Evangelista, Marian Rivera, Carmina Villarroel, Sherilyn Reyes, Ruffa Gutierrez, Anne Curtis, Kim Chiu, at Vice Ganda.
Maya hindi na pinangarap mapantayan si Sarah
Walang balak ang singer na si Angeli Flores o mas kilala ngayon bilang si Maya na mapantayan ang nakasabay at nagwaging grand champion sa 2002 singing contest na Star For A Night na si Sarah Geronimo.
Masyado na raw malayo ang narating ng kaibigan niyang si Sarah at sobra siyang masaya para rito.
Gusto ni Maya na ma-establish ang kanyang pagiging singer dito sa Pilipinas dahil nagawa naman na niyang mamayagpag abroad dahil sa pagkakasama niya sa all-girl group na Blush.
Nagsimulang kumanta si Maya sa edad na walo at sumali siya sa hindi mabilang na mga singing contest. Kabilang na rito ay ang Pinoy Idol sa GMA 7 noong 2011 kunsaan nakasama siya sa Top 11 finalists.
Napasama si Maya sa grupo na Blush noong mag-audition siya para rito in 2011.
Nakapag-perform ang grupo sa iba’t ibang bansa at nakasama na nila ang mga international singers tulad nina Justin Bieber, Black Eyed Peas, Jessie J., Diana Ross, Carly Rae Jepsen, Cee Lo Green, Aerosmith, Jason Derulo, Jordin Sparks, Jennifer Hudson, and Stevie Wonder.
Nakipag-collaborate rin ang Blush with Snoop Dogg, Jay Sean, at Sean Kingston.
Habang on season break ang grupong Blush, gusto naman subukan ni Maya ang local music scene dahil more than five years din siyang hindi nakapag-perform sa Pilipinas.
- Latest