^

Pang Movies

Enchong bad trip sa PBB, wala raw WIFI

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

May mga negatibong reaksyon ang mga netizen sa pagpasok ni Enchong Dee last Sunday sa Pinoy Big Brother house. Ang ganda nga naman ng pag-welcome nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, at Robi Domingo kay Enchong tapos, kita sa mukha nito na labag sa kalooban niya ang pagpasok sa PBB bilang celebrity guest.

Noon pa man open na si Enchong sa pagsasabing ayaw niyang pumasok sa PBB, pero dahil nakakun­tsaba na pati ang pamilya niya ay wala nang choice ang actor/TV host kundi sumunod dahil on the spot ang pagpasok niya.

Ang dami nga naman nagkakandarapa na makapasok kahit na celebrity na gustong magkaroon ng exposure loob ng PBB house, pero parang bukod tanging si Enchong lang ang hindi excited.

Masusubukan kung hanggang saan tatagal si Enchong.

Isa sa ikinaiinis ni Enchong ay ang kawalan ng wifi sa loob ng bahay ni kuya. Ipinagtanggol naman si Enchong ng kanyang fans na takot lang daw ito na walang communication sa kanyang pamilya at sa GF nito.

Inaabangan si Enchong kung hanggang saan ang tibay ng loob nito na makibagay sa mga housemate niya sa PBB. Kung makakatiis ba siya sa loob ng PBB na walang internet access.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIANCA GONZALES

ENCHONG

ENCHONG DEE

INAABANGAN

IPINAGTANGGOL

ISA

PINOY BIG BROTHER

ROBI DOMINGO

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with