^

Pang Movies

Baka raw makasira sa career ng aktor pelikula nina Coco at Nora hindi na ipapalabas?!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangangamoy shelved daw ang pelikulang Padre de Familia na prinodyus ni Coco Martin kung saan ang superstar na si Nora Aunor ang kasama niya. Ayon sa aming source, may puwersang hindi nagkagusto sa kabuuan ng movie. Dagdag pa ng aming source, hindi raw ito makakatulong sa career ni Coco, huh!

Imagine nga naman, todo ang build up sa kanya ng Kapamilya Network dahil well budgeted ang bagong series niyang Probinsiyano. Tapos, kasama ni Coco si Vice Ganda sa festival entry nilang The Beauty and the Bestie.

Siyempre, lalong magpapaangat ang movie sa career ni Coco bilang boxoffice star, huh! Siyempre, naaawa ang aming source dahil ginawang kawawa si Ate Guy sa ginagawang ito ng mga forces sa career ni Coco, huh!

Dingdong wanted sa sikat na Malaysian artist

Sikat na singer at actress sa Malaysia ang ka-duet ng singer na si Nikki Bacolod na 2 Voices na si Min. Ang album produced at composed ni Jul­fekar na may dugong Tausug at released ng PolyEast Records. Nandito ngayon sa bansa si Min upang i-promote ang album. Carrier single nito ang Sa Iyo na ipinarinig nila sa press launch ng kanilang album. Dahil na rin sa tulong ni Nikki, natutong magsalita ng Tagalog si Min na para bang hindi Malaysian, huh!

Ang 2 Voices ay kolaborasyon ng isang Pinoy at Malaysian artist. Karamihan ng laman ng album ay mga Tagalog pero may Malay song din. Eh, sa pagdating niya sa bansa, gusto ni Min na makaharap ang gusto niyang actor na si Dingdong Dantes dahil sikat daw ito sa Malaysia. ‘Yun nga lang, single man siya ngayon, unavailable naman daw ang status niya. Sa panig naman ni Nikki, urong-sulong siya sa pagkanta dahil binigyang priority niya ang pag-aaral sa De la Salle.

Karylle hindi na-inform sa pagpapakasal ni Zsa Zsa

Last to know si Karylle sa balitang pagpapakasal ng inang si Zsa Zsa Padilla sa boyfriend na si Conrad Onglao. Hindi pa raw kasi sila nagkikita ng ina ayon sa singer nang makausap ng press para sa repeat ng concert na The Next Attraction sa Music Museum. Kasama niya sa concert ang iba pang anak ng music icons na si Robin Nievera, Paolo Valenciano at Isabella. “Mamaya (Thursday) pa lang kami magkikita ng nanay ko sa guesting namin sa Gandang Gabi Vice,” sambit ni Karylle. “Hindi ko nga rin alam ‘yung wedding. Basta hinihintay ko lang ‘yung pamamanhikan! Old fashion kasi ako. Hindi ko kasi napanood ‘yon. So hinihintay ko ‘yung pamamanhikan bilang lola na yata ako!

“Kasi the whole of last month, si lola, ‘yung mama ni Mom, kasama ko lahat ang mga lola. Tawag nga namin sa card nila, hindi senior citizen kundi student’s ID kaya siguro pamamanhikan ang hinahanap ko! Ha! Ha! Ha! Kaka-hang out ko with my lola!” pahayag niya.

Strict daw kasi siya kaya waiting siya sa pamamanhikan at saka siya magku-comment. Eh pagdating sa repeat ng The Next Attraction, suwabeng-suwabe raw ang naging resulta nito kaya naman excited sila sa repeat nitong August 14 and 15.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE GUY

BEAUTY AND THE BESTIE

COCO MARTIN

CONRAD ONGLAO

DINGDONG DANTES

GANDANG GABI VICE

HINDI

KARYLLE

NEXT ATTRACTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with