Radio coverage ipinagdamot ni Pacman
MANILA, Philippines – Tanging ang TV coverage lamang ng bakbakan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather ang maibabahagi ng GMA Network at Solar TV sa ABS-CBN at TV5 sa Mayo 3. Ang radio coverage ay exclusive pa rin sa DZBB, Barangay LS at Regional stations ng istasyon.
Nagbigay-daan nga ang executives ng GMA sa hiling ni Pacquiao na mapanood din sa ABS at TV5 ang labanan. Kung ibang network lang ito, malamang na hindi pagbigyan ng hiling ni Manny.
Ten commandments ipalalabas uli
Ipadarama rin ng GMA Network ang kahalagahan ng Holy Week ngayong linggong ito. Bukas kasi, Holy Thursday, mapapanood ang mga makabuluhang palabas gaya ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis. Pero ang isang palabas na exciting ay ang muling pagtatanghal ng classic religious film na The Ten Commandments ngayong 7PM. Ang ikinaganda pa nito, walang commercial breaks kaya kumain nang maaga upang muling alalahanin ang klasikong pelikula.
Bukas, Good Friday, kaabang-abang ang recap ng ilang episodes sa Pari ‘Koy ni Dingdong Dantes. Bago ‘yan, makinig tayo ng Siete Palabras sa tanghali mula sa Santo. Domingo Church.
Sa Sabado de Gloria, ang patalbugan sa akting nina Paolo Ballesteros at Alden Richards ang matutunghayan sa Pag-uwi mula sa APT Entertainment bukod pa sa ibang memorableng palabas na handog ng istasyon.
Andre pamilya lang ang kasama sa tag-init
Tao rin ang mga artista natin kaya may mga plano rin sila tuwing dumarating ang tag-init. Huwag lang umeksena ang bagyong si Chedeng ngayong madaling-araw, or else, bulilyaso ang summer plans ng ibang Kapuso stars.
Para kay Kris Bernal, sa Palawan gusto niyang idaos ang tag-init. Dream kasi niyang mag-surfing at diving, huh!
Para naman kay Andre Paras, isang de kalidad na oras kasama ang pamilya ang gusto niyang gawin sa summer. Pero mas gusto niyang summer dream ‘yung isang secret beach na tangging pamilya at kaibigan ang kasama ang allowed sa lugar.
- Latest