^

Pang Movies

Buboy nag-e-expect na maaambunan ng suwerte ang career sa Kid Kulafu ni Pacman

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Proud man ang Kapuso Network kay Buboy Villar na gumaganap na young  Manny Pacquiao sa movie na Kid Kulafu, sadly sa ABS-CBN lang ipinapakita ang teaser ng movie at hindi sa GMA-7 dahil ang Star Cinema ang magre-release ng pelikula na idinirek ni Paul Soriano.

Masuwerte si Buboy dahil hindi lang sa bansa mapapanood ang Kid Kulafu dahil plano nga ni Direk Paul na isali ito sa international film festivals. Wish ni Buboy na mahatak din ang kanyang career sa kasikatan ng Pambansang Kamao lalo na nga halos lahat ay nag-aabang sa laban na tinaguriang Fight of the Century nina Manny at Floyd Mayweather, Jr. ngayong May 2.

Marami lang ang nanghihinayang sa singing talent ni Buboy dahil hindi ito nabibigyan ng chance na maipakita ito. Kahit sa Walang Tulugan with the Master Showman kung saan siya kabilang ay puro sa dance production lang siya naisasama. Gusto pa naman ni Buboy ang mga kanta ni Ogie Alcasid kesa sa mga kanta ng One Direction na uso ngayon.

Ayaw naman ni Buboy na pilitin ang kanyang sarili sa mga hit songs ng 1D, dahil hindi raw siya ‘yun. Hindi raw niya madya-justify ang kantang trip ng British boy band.

Kasama rin sa movie ng Kid Kulafu sina Alessandra de Rossi na gumaganap na Mommy Dionisia at Cesar Montano bilang tatay ni Buboy sa pelikula.

vuukle comment

ANG

BUBOY

BUBOY VILLAR

CESAR MONTANO

DIREK PAUL

FIGHT OF THE CENTURY

FLOYD MAYWEATHER

KAPUSO NETWORK

KID KULAFU

MASTER SHOWMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with