Mariel nagparaspa na, tanggap na wala na ang panganay nila ni Robin
Niraspa na kahapon si Mariel Rodriguez sa isang ospital sa Alabang dahil walang heartbeat ang sanggol na ipinagbubuntis niya.
Day of acceptance ang tawag ni Robin Padilla sa confinement kahapon sa ospital ng kanyang misis na ikinalungkot nang husto ang nangyari sa magiging panganay nila.
Marami ang nakiramay at nagpalakas ng loob ni Mariel. Sinabi nila na normal na malungkot si Mariel pero bata pa ito at puwedeng-puwede pa uling magbuntis.
Hindi natin masisisi si Mariel dahil handang-handa na siya na maging isang ina at talagang hinintay niya ang araw ng kanyang pagbubuntis sa first baby nila ni Robin.
Jolo hindi kinaya ang 2 buwang bakasyon, bumalik na sa trabaho
Mainit ang naging pagtanggap kahapon kay Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ng kanyang mga kababayan.
Na-miss si Jolo ng mga Caviteño dahil isang buwan din na hindi siya nakita sa Provincial Capitol ng Cavite mula nang akidente na mabaril niya ang sarili.
Si Jolo ang presiding officer ng mga board member ng Cavite province at nagpakita siya kahapon sa flag-raising ceremony at breakfast meeting.
Maligayang-maligaya ang mga kababayan ni Jolo na makita nila na maayos na ang kalagayan ng actor/politician.
On leave si Jolo ng dalawang buwan pero baka mapaaga ang pagbalik niya sa trabaho dahil ito ang payo ng kanyang ama na si Senator Bong Revilla, Jr.
Ibinilin ni Bong kay Jolo na mag-report na ito sa trabaho kapag mabuting-mabuti na ang pakiramdam dahil kailangan siya ng mga Caviteño.
Lenten story ng EB, parang true to life ng isang aktres
Parang inspired ng love story ng isang aktres ang Holy Monday episode kahapon ng Lenten presentation ng Eat Bulaga.
Tungkol sa matandang babae na na-in love sa mhin na mas bata sa kanya ang kuwento ng Holy Monday drama ng Eat Bulaga.
Si Nova Villa ang gumanap na matandang babae na na-in love sa bagets karakter ni Keempee de Leon.
Bahala na kayong mag-isip sa identity ng aktres na tinutukoy ko na nagmahal ng mhin na bagets. Hindi siya si Mommy Dionesia Pacquiao dahil hindi naman ito aktres.
Senador napako ang mga pangako sa entertainment industry
May kaplastikan ang senador na sinuportahan ng entertainment press noong kumandidato siya.
Mga bisita sa isang malaking event ang senador at ang entertainment writers.
May nagturo sa senador sa puwesto ng entertainment press at kitang-kita ng isang reporter ang pag-iwas niya na dumaan sa lugar na kinaroroonan ng grupo.
Nang pauwi na ang senador at ang misis nito na maganda ang PR, napilitan sila na dumaan sa puwesto ng mga reporter dahil malapit ito sa exit.
Ang misis ang unang bumati at nakipag-tsika-tsika sa mga reporter na nakilala niya noong panahon ng kampanya.
Kiyeme-kiyeme na nagulat ang senador with matching dialogue na “ Nandito pala kayo!” nang ma-sight niya ang entertainment press.
Diring-diri sa senador ang reporter na nakasaksi sa kanyang pag-iwas. Nabawasan ang respeto niya sa senador dahil sa kaplastikan na ipinakita nito.
Naalaala tuloy ng entertainment writers ang pangako ng senador noong kainitan ng kampanya na tutulungan niya ang entertainment industry. Napako na ang pangako dahil walang naitulong sa industriya ang senador na plastikada!
- Latest