Binoy ipakikita ang mga natamong sugat!
MANILA, Philippines - Taong 1992 nang harapin ni Robin Padilla ang isang peligro sa shooting ng isa niyang pelikula. Ang maaksyon at makapigil-hiningang eksena, kinabibilangan ng blasting stunts kung saan nagkaroon ng aberya at aksidenteng nasunog ang balikat at braso ng aktor!
Maging sa taping ng Joaquin Bordado, peligro rin ang kinaharap ni Robin nang sumadsad ang sinasakyang motorsiklo. Minsan ding muntik matanggal ang lock ng harness habang nagra-rappel siya sa isang gusali.
Sa isang one-on-one interview kasama si Igan, Arnold Clavio, ikukuwento ni Robin ang mga naranasang aksidente at kung anong mga aral ang iniwan nito sa kanya.
Abangan ito ngayong Lunes, March 30, 4:35 ng hapon sa Alisto sa GMA.
- Latest