^

Pang Movies

Walang pagbabago? Herbert pinaghintay ni Maricel

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natuloy na pala ang shooting ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na pagtatambalan nina Mayor Herbert Bautista at Maricel Soriano. Maaga pa raw ay nasa set na si Mayor. As usual matagal siyang pinaghintay ni Maricel. Wala naman itong reklamo at nasa isang sulok lang habang pinangangasiwaan ni Direk Andoy Ranay ang setup.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, trilogy pala ito at may pagka-horror ang kina Herbert at Maricel. Sina Anne Curtis naman ay romantic ang peg at sina Candy Pangilinan at Ramon Bautista ang may pagka-comedy.

Wala pa rin daw ipinagbago si Maricel sa set na napakaingay. Viva Films at Heavens Best pala ang producer ng pelikula.

 Kaye Dacer nagsalita sa relasyon daw nila ni Neil Perez

Ayaw nang mag-react ng radio host na si Kaye Dacer tungkol sa tsika na inili-link siya sa Mr. International na si Neil Perez. May mga naglalabasan kasing tsika na may relasyon umano silang dalawa.

Ayon kay Kaye ay may Indian boyfriend siya habang si Neil ay may girlfriend na alam namin ay pakakasalan na niya. Kaya’t hanggang maaari ay ayaw nang makasama ni Kaye si Neil sa mga magazine pictorials para mawala na nga naman ang intriga.

Nagiging celebrity na si Neil na kasapi ng PNP. Matapos manalo ay kabi-kabila ang dumarating na trabaho sa kanya sa showbiz. Kamakailan lang ay nag-shoot ito sa Wattpad Presents ng TV5. Open ang pulis sa mga guestings sa iba’t ibang istasyon.                                                                    

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANNE CURTIS

AYON

CANDY PANGILINAN

KAYE DACER

MARICEL

NEIL

NEIL PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with