^

Pang Movies

Kinasuhan pa rin paghingi ng dispensa ni Melissa sa social media hindi umepekto

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang malaki pa rin ang problema ni Melissa Mendez sa kabila ng kanyang ginawang social media apology sa kanyang nakaaway, ang negosyanteng si Rey Pamaran. Nagbigay kasi ng dalawang kundisyon si Pamaran na bukod sa paghingi ng dispensa ay kailangang sabihin ni Melissa ang katotohanan. Sinabi rin ni Pamaran na mukhang hindi sincere ang public apology ni Melissa.

Doon din sa ginawang public apology ni Melissa, may sinabi pa siyang nagkamali siya, “no matter what the reason might be”. Sa pakahulugan ng marami, inamin niyang hindi niya dapat ginawa ang kanyang nagawa, “ano pa man ang dahilan”. Para bang sinasabi na may katuwiran pa rin ang ginawa niya.

Isa pa, sinabi ni Pamaran na ang mga kasinungalingan at paninira sa kanya ay ginawa sa telebisyon, kaya dapat lamang na ang pagtutuwid noon ay gawin din on national television at hindi sa pamamagitan ng social media lamang. Dahil diyan, itinuloy pa rin nila kasama ang abogadong si Atty. Raymund Fortun ang kaso laban kay Melissa.

Sa kabilang banda, sa walang anumang dahilang sinabi, kumambiyo nga si Melissa na nagsabing ilalaban niya ang kanyang karapatan bilang isang babae. Kinonsulta na rin daw niya ang kanyang abogado at nagkaroon pa ng announced meeting sa grupong Gabriela. Pero sa pagtatapos ng araw, ang ginawa nga niya ay humingi ng dispensa kay Pamaran sa pamamagitan ng social media.

Iyan ay dalawang parte lamang ng kaguluhang iyan sa eroplano. Kagaya nga nang nasabi na namin, ang nagkaroon ng mas malaking damage diyan kung iisipin ay ang Cebu Pacific dahil sa naistorbong flight, sa mga naistorbong pasahero, at maging sa gastos sa aviation gas. Sinunod ng Cebu Pacific ang lahat ng protocol. Una, ayaw na siyang isakay. Nagkaroon ng gulo while on flight, binigyan siya ng warning cards ng dalawang ulit. Nang hindi siya nakinig at hindi rin mapayapa, saka nagdesisyon ang piloto na ibalik siya sa port of origin. Sa panig ng Cebu Pacific, walang cargo si Pamaran kaya hindi siya pinababa ng eroplano.

Isipin ninyo iyang laking gulo na iyan, dahil lamang sa “clouds”.

Isang survey sa show ni Eugene hindi dapat paniwalaan

Natawa kami sa nabasa naming kuwento na nagsasabing tinalo raw sa ratings ng isang survey firm ng show ni Eugene Domingo ang TV comeback ni Sharon Cuneta. Ano ba namang kuwento iyan?

Iyong show ni Eugene, matagal na iyon on air, ibig sabihin may regular audience na iyon. Iyang panonood ng TV, habit iyan. Iyong show na nasamahan ni Sharon, nagsisimula pa lang. Ibig sabihin natural na wala pang captive audience. Experimental din iyon dahil bago ang concept. Isa pa, magkalinawan tayo, kinuha lang si Sharon para maging judge sa nasabing TV contest. Hindi siya ang star ng show na iyon. Maling-maling sabihing iyon ang kanyang TV comeback.

Isa pa, iyan ay report lamang ng isang survey firm. Ilan bang survey firm ang gumagawa ng TV audience survey? Kailan ba sila nagkaisa ng kanilang report, kaya kung alam lang ninyo, iyang survey na iyan ay hindi isang malaking issue, dahil hindi na nga halos batayan iyan ng advertising eh. Kalabisan na sigurong itanong, sino kaya ang mas mataas ang advertising rate sa dalawang shows?

CEBU PACIFIC

EUGENE DOMINGO

ISA

IYAN

IYONG

MELISSA MENDEZ

PAMARAN

RAYMUND FORTUN

REY PAMARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with