^

Pang Movies

Marian nagsalita sa Congress para sa kababaihan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakatuwa ang mag-asawang Ding­dong Dantes at Marian Rivera dahil kahit busy sila sa kani-kanilang trabaho, hindi sila nawawalan ng oras na magkasama, kahit sa dinner or going to church. Last Saturday magkahiwalay muna sila, nag-attend si Marian ng autograph signing at book launch ng kaibigan niyang photo­grapher na si Jay Tablante na Geekology 2.0 in Bonifacio High Street. Isa si Ma­rian sa featured sa book na ang royalties ay idu-donate sa charity. Dingdong naman graced the first Sinag Maynila Film Festival and support the project founded by their ninong sa kasal na si Wilson Tieng at Brillante Mendoza. Saka pa lamang nagkita ang mag-asawa for dinner sa City of Dreams.

Kahapon naman, bago nag-report sa taping ng The Rich Man’s Daughter, pumunta muna si Ma­rian sa Congress of the Philippines and gave an inspirational message as the Ambassador for Women and Children With Disabilities in celebration of Woman’s Month. Bahagi ng message ni Marian: “Ngayong buwan ng kababaihan, sabay-sabay nating itaas ang ating mga pangarap, sabay-sabay tayong ngumiti sa biyaya ng mga pagpapala sa atin. Sabay-sabay na­ting isigaw na sa mata ng Diyos, lahat tayo ay pantay-pantay. Mabuhay ang mga kabataan, mabuhay ang mga kababaihan, at mabuhay ang mga kababaihang lumalaban!”

Hindi na nasamahan ni Dingdong si Marian dahil maaga naman siyang nag-report sa taping ng Pari ‘Koy sa San Francisco Del Monte, Bulacan.

Dennis sasaluhin si Alice pagkatapos umatras ni Albert

Tuluyan nang nag-back-out si Albert Martinez sa cast ng Sugo, ang film bio ni Felix Manalo, founder ng Iglesia ni Cristo (INC), for personal reasons. Kung noon ay si Albert lamang ang sure sa cast ng movie na dinidirek ni Joel Lamangan, nagpasiya na rin ang manager ni Albert na si Shirley Kuan na magpahinga na muna ang actor dahil mahirap ang pinagdaraanan nito ngayon after his wife Liezl passed away. Gusto muna ni Albert na makasama niya ang mga anak na sina Alyana, Alfonso at Aly­ssa. Last Sunday ay idinaos na ang pasiyam ni Liezl at sa March 27, birthday naman nito.

Sa pag-back-out ni Albert, si Dennis Trillo na gaganap sanang batang Felix Manalo, siya na ang gaganap sa dalawang role. Bela Padilla will play the young Mrs. Manalo at si Alice Dixson na ang adult Mrs. Manalo. Magtutuluy-tuloy na ang shooting ni Direk Joel ng movie na ipalalabas na sa June, ang end ng centennial celebration ng INC.

Dennis hindi inimbitahan sa graduation ni Julia?!

Gagawin ba ulit malaking issue dahil hindi dumalo si Dennis Padilla sa graduation day ng anak na si Julia Barretto? Last Saturday nag-graduate si Julia sa St. Paul’s College in Pasig, at hindi nga raw nakita si Dennis dito. Ang maganda kay Julia, nag-attend siya ng regular classes at hindi sa home study lamang siya nakatapos. Kasabay niyang nag-graduate ang friend niya, Kapuso tween star Gabbi Garcia.

Itutuloy daw ni Julia ang studies niya sa college, pero hindi alam if she will enroll na this co­ming school year. Sa ngayon kasi, sunud-sunod ang pro­ject ni Julia. May movie siyang ginagawa sa Viva Films with Iñigo Pascual, at may inihahanda ring teleserye sa kanya ang ABS-CBN.

ALBERT MARTINEZ

ALICE DIXSON

BELA PADILLA

FELIX MANALO

JULIA

LAST SATURDAY

MRS. MANALO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with