Iza pahinga muna sa Dos, stage play at Hollywood film ang iniintindi
Wala munang teleserye or ibang show si Iza Calzado sa ABS-CBN, at inamin niyang gusto naman niyang i-try ang stage acting. May nerbyos pero excited siya sa bagong papasuking trabaho, ang Sabel. Na itatanghal for the first time sa Solaire Resort & Casino on April 13 at may re-run sa Music Museum sa June.
Ang play ay inspired sa iconic painting ni National Artist Ben Cab, kaya bago sumabak sa rehearsal si Iza, nagkaroon muna siya ng painting session with Ben Cab. Ang theater adaptation ay by Freddie Santos at music ni Louie Ocampo.
Sa gitna ng rehearsals ni Iza, nagsimula na rin siyang mag-shooting ng isang international movie, tentatively titled Showdown in Manila dahil dumating na rito ang mga Hollywood actors na sina Alex Nevsky, Casper Van Dien, Tia Carrere, Cary Tagawa at Matthias Hues. Kasama ang mga local actors, na sina Mon Confiado, Alvin Anson, Jake Macapagal and Monsour del Rosario. Sa PNR Terminal at Subic Bay ang locations nila.
Mayor Herbert may bagong ‘babae’
Matutuwa na ang fans ni Diamond Star Maricel Soriano na nagtatanong kung kailan muling mapapanood ito after ng soap na Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA-7. Movie muna ang gagawin ni Maricel sa Viva Films kung saan contract star siya at nagsimula na silang mag-shooting ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ng episode nila sa Lumayo Ka Nga Sa Akin, based sa best selling book ni Bob Ong.
Unang nagkasama sina Maricel at Mayor Bistek sa Kaluskos Musmos at ngayon lamang sila magtatambal at gaganap pang husband and wife sa movie na ididirek ni Andoy Ranay. Trilogy ang movie at ang isang episode ay tatampukan naman ni Anne Curtis at director niya si Chris Martinez na siya namang nagdirek ng hit movie niyang The Gifted sa Viva Films din. Wala pang release ang Viva kung sino ang gaganap sa third episode na ididirek daw naman ni Quark Henares.
Direk Dom hindi susuko at patatalo sa ‘kalaban’
Naniniwala kami sa ikinatatakot ni Direk Dominic Zapata na baka mawalan na ng interes ang mga tao sa panonood ng mga palabas sa TV. Dahan-dahan na raw kasing nananakaw ng Internet ang atensyon ng mga tao papalayo sa telebisyon. Kaya naman sinabi niya sa taping ng The Rich Man’s Daughter ni Marian Rivera, na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng mga bagong story para palawakin pa ang sakop nito.
“We want to push the boundaries of what we do in television, what we do in entertainment, sabi pa ni Direk Dom. “Sa Internet kasi, isang click mo lamang, lalabas na ang show na gusto mong panoorin. Pero gaya nga ng sabi ko, at alam kong ganito rin ang saloobin ng ibang director, hindi kami titigil with our writers, na makapagbigay ng mas magagandang panoorin. Alam kong hahanap-hanapin pa rin nilang mapanood ang mga paborito nilang artista.”
Kaya si Direk Dom, pambalanse rin niya sa mga drama series na ginagawa niya ang sitcom niyang Ismol Family nina Ryan Agoncillo, Carla Abellana, Mikael Daez, Carmi Martin, with tween stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
- Latest