Naniniwalang meant to be Nikki hindi matandaan ang nangyari sa kanila ng mapapangasawa
Halatang ayaw pang idetalye ni Nikki Gil ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal ng kanyang fiancé na si BJ Albert this year.
Although, nabanggit niya sa isang interview na among her showbiz friends, si Iya Villania ang gugustuhin niyang maging matron of honor. Yes, along daw with her sister, Lani.
Obvious na sa ngayon, naka-focus pa ang mind ni Nikki in promoting her new album with Universal Records, na pawang love songs ang content. Kaya naman, ang titulo nito ay Love Revisited.
Asked, which among the songs in her 12-track album is her favorite, nakapagtataka bang ang pinili niya ay ang awiting When I Met You?
Funny, but do you know, that though almost schoolmates sila ni BJ sa Ateneo de Manila Univeristy, ‘di niya matandaang she even crossed path with him? Yes, during their Ateneo days.
They met on a blind date in 2014.
Nagka-inlaban sila and BJ proposed late last year.
Isang entrepreneur si BJ na may singer na auntie.
Yes, tita niya si Joey Albert.
Buboy Villar umaasang makakabangon uli sa pagganap na batang Pacman
Remember former child actor Buboy Villar?
Halos pareho pala sila ng pinagdaanang hirap ng The Voice Kids champ na si Lyca Gairanod - Buboy in Cebu, when he was three years old at si Lyca in Cavite, ay halos ganung edad din siya.
Parehong via a singing tilt din ang naging daan kung ano na sila ngayon. While Lyca made it via The Voice Kids on ABS-CBN, si Buboy ay sumali naman sa Little Big Star ng GMA-7.
May kuwento pa nga raw kung paano siya finally nakapag-audition for Little Big Star.
Dahil maitim, plain looking bukod sa ‘di magarbo ang kanyang kasuotan, ayaw siyang papasukin ng security guard assigned sa pintuan ng GMA-7. Humingi pa nga raw ito ng sampol ng kanyang pag-awit.
And obvious na na-impress naman ang guard sa kanya, hayan at pinapasok siya.
The rest, wika nga, is history.
Pinaka-memorable niyang performance ay nang gumanap siya bilang batang si Ding to Darna, played by Marian Rivera.
Medyo, kumbaga, dumalang ang kanyang assignments, which he admitted greatly affected his income and thus, affected, too, his family’s kabuhayan, when he reached the awkward age.
Ngayon 16 years old na siya and guess what finally his assignment is?
Well, playing the role of Manny Pacquiao, when the Pambansang Kamao was still a nobody in GenSan, but has great aspirations na to be a boxer in the indie film, Kid Kulafu.
Ang Kid Kulafu ay nasa ilalim ng direksiyon ni Paul Soriano and will be released April 15 in theaters nationwide.
‘‘I pray,’’ ani Buboy. ‘‘Na maging successful ang pelikulang ito. Na maging simula uli ito ng muli kong pagbangon sa larangang ‘di ko lang mahal, kundi malaking tulong din sa aming pamilya.
‘‘Tulad ni Mr. Manny, handa akong dumanas ng hirap, magtagumpay lang ako, nang sa ganun, ‘di na rin maghirap ang aming pamilya,’’ pahayag pa niya.
Edgar Allan nangangarap mapansin ang boses
Since joining the reality show Your Face Sounds Familiar, young actor Edgar Allan Guzman discovered na nakakakanta rin pala siya.
Hence, ‘di lang lakas ng loob aniya, ang kanyang puhunan sa pagpayag na maging isa sa guests ni Marion Aunor sa concert nito on April 10, Take a Chance, at the Music Museum.
Yes, he is taking a chance na ma-recognize na may talent din siya sa singing bukod sa pag-arte.
Bukod kay Edgar Allan, ang iba pang guest singers ni Marion ay sina Michael Pangilinan, Edward Venoza, Vin Abrenica, at nakababatang kapatid na si Ashley.
- Latest