^

Pang Movies

Pagsisibak ng kahoy ni Mayweather pinagtatawanan ni Pacman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Lumang-luma na ang gimik ni Floyd Mayweather Jr. na nagsisibak ng punong-kahoy bilang paghahanda niya sa May 2 fight nila ni Congressman Manny Pacquiao.

It’s so very yesterday ang drama ni Mayweather Jr. dahil napanood na natin ‘yon sa old Hollywood action movies.

May reason si Papa Manny na matawa sa gimik ni Mayweather dahil passe na ang pagsisibak ng kahoy ‘no!

Ervic sa GMA artist center na

Wala na pala si Ervic Vijandre sa pangangalaga ni Jonas Gaffud dahil nag-expire na ang kanyang kontrata sa talent agency na Mercator.

Maayos ang paghihiwalay nina Jonas at Ervic dahil nag-usap sila bago nag-babu ang aktor na contract star na ngayon ng GMA Artist Center.

Nawala man si Ervic sa Mercator, may male talents pa rin si Jonas, sina Fabio Ide, Daniel Matsunaga, Ken Alfonso at Benjamin Alves.

Na-sight ang mga alaga ni Jonas sa Bb. Pilipinas coronation night noong Linggo dahil sinuportahan nila ang mga kandidata ng kanilang manager.

Maligayang-maligaya si Jonas dahil apat sa mga alaga niya ang nag-win, sina Pia Wurtzbach, Christi McGarry, Ann Lorraine Colis at ang 2nd runner up na si Kimverlyn Suiza.

Talent din ni Jonas si Winwyn Marquez na hindi pinalad na mag-win.

Nina Alagao nag-sorry

Binatilyo na pala ang anak ni Michael Flores at ng former beauty queen na si Nina Ricci Alagao na naging kontrobersyal dahil sa mga komento niya tungkol kay Toni Gonzaga.

Bashing victim si Nina ng mga defender ni Toni pero imbes na mairita, ipino-post pa niya sa kanyang Facebook account ang mga below –the- belt na banat sa kanya ng fans.

In defense of herself, naglabas uli si Nina ng kanyang lengthy explanation tungkol sa isyu na biglang naluma dahil nag-sorry na si Toni sa mga hindi natuwa sa kanyang performance bilang host ng Bb.Pilipinas.

Narito ang huling bahagi ng kanyang paliwanag : “ I do not crave fame or attention. I have always lived simply and as much as I can, quietly. Even my joining Bb. Pilipinas was a thank-you response to friends who believed in me and was not a personal goal. Still, saying your piece has nothing to do with what you have accomplished in your life.

“ I choose not to dwell on the negative, and try not to miss the lesson in every circumstance. Let constructive criticism remain what it is, and not be turned into something it’s not and should not be.

“ Thank you to those who have kept an open mind, and have understood my piece in the same tone and manner I wanted to get its message across. I do not need millions of friends or supporters, only a good number of well-meaning open-minded ones.”

ANN LORRAINE COLIS

ARTIST CENTER

BENJAMIN ALVES

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

DANIEL MATSUNAGA

ERVIC

JONAS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with