Amalia at Romeo hindi pa annulled, puwedeng magkabalikan
MANILA, Philippines – Pinagsisihan namin ang hindi namin pagsama sa aming kaibigan na si Precy Ejercito sa pagpunta niya sa wake ni Liezl Martinez. Umiiwas kami sa maraming tao na madalas nangyayari sa mga burol ng artista. ‘Yun naman pala, sa wake ni Liezl ay very private ito with relatives and friends lang ang naroroon.
Hindi man kami close ni Liezl ay lagi itong bumabati sa amin sa tuwing magkukrus ang aming landas. Sa parties ng mutual friends kami nagkikita. Ang hindi namin malilimutan na encounter with Liezl ay noong musmos pa ito na kasa-kasama ng ina sa shooting ng Bulaklak at Paru-paro na pinagbibidahan nina Amalia Fuentes at Eddie Gutierrez sa Canlubang, Laguna kasama ang mga baguhang sina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Imbes na umusyoso kami sa shooting ay si Liezl ang pinagtutuunan namin ng pansin at lagi namin siyang nilalaro kasama ang yaya na si Irene. Sabi nga ni Nena (Amalia) noon, may pagkamasungit si Liezel sa fans dahil lagi raw itong pinanggigilan at kinukurot.
Sa burol ni Liezel ay nagkasama muli ang mga magulang niyang sina Amalia at Romeo Vasquez na binibiro ng mga kaibigan. Matagal nang hiwalay ang dalawa at maayos ang relasyon nila bilang magkaibigan. Wika raw ni Amalia na hindi pa annulled sa simbahan ang kasal nila.
Rocco hindi pa handang pakasalan si Lovi
Nitong March 15 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Rocco Nacino ng kanyang ika-28th birthday sa Sunday All Stars. Noong March 14 naman ay nagkaroon din siya ng advance birthday celebration kapiling ang mga batang lumalaban sa sakit na cancer sa Bahay Aruga.
March 21 ang actual birthday ni Rocco at wish lang niya ay isang simpleng dinner with his family at siyempre kasama ang love niyang si Lovi Poe.
Wala pa raw regalo si Lovi na sobra nang nangungulit kung ano ang gustong matanggap ng aktor.
Samantala, wala pa sa isip niya ang mag-settle down. Kailangan pa niyang mag-ipon at kung hindi man magpatuloy ang kanyang pag-aartista ay puwede naman daw siyang bumaik sa medical profession na tinapos niya. Board passer sa kursong Nursing si Rocco.
- Latest