Liezl pitong taon nakipaglaban sa traydor na karamdaman
Affected si Bibeth Orteza ng pagpanaw ng kanyang fellow MTRCB member na si Liezl Martinez. Parehong nagkaroon ng breast cancer ang dalawa pero gumaling si Bibeth at natapos naman kahapon ng 6:15 a.m. sa The Medical City ang pitong taon na pakikipaglaban ni Liezl sa traydor na karamdaman.
Traydor dahil ang buong akala ni Liezl, nalampasan na nito ang sakit na bumalik noong 2011 matapos ideklara ng kanyang doktor na in remission siya.
Sa gitna ng pagluluksa, nagawa pa ni Bibeth na magsulat ng isang napakagandang tribute para sa kanyang namayapa na kaibigan .
“I lost a friend to cancer just a few hours ago — no, wait. What am I talking about?
“You only lose someone you don’t intend to ever remember again. And my friend, well, she’s unforgettable.
“An amazing woman who chose a wonderful husband, with whom she raised three great children — warm, caring and loving, not bitter, not arrogant, not spiteful.
“I will celebrate my friend’s life today, lunch with my breast cancer sisters; watch a play with my daughter, sister and friend; and have dinner with my children. My friend wouldn’t have it any other way.
“Every death diminishes me, especially those brought by cancer. And yet the extraordinary dignity with which my friend handled her illness, makes me recall 1 Corinthians Chapter 15, verse 55:“Where, O death, is your victory? Where, O death, is your sting?”
“Fare thee well, gentle woman. Godspeed. I didn’t lose you, you are in my heart.”
Amalia hindi pa nagsasalita sa pagkawala ng nag-iisang anak
Ang pahayag ni Amalia Fuentes tungkol sa pagkamatay ng kanyang unica hija ang hinihintay ng lahat.
Napakasakit para sa mga magulang o isang ina ang mawalan ng anak kaya marami ang nakikisimpatiya kay Amalia.
Kung sakaling piliin ni Amalia na huwag munang magsalita, maiintindihan ng mga tao dahil alam nila na dinaramdam niya ang pagkawala ni Liezl.
Pagtatanan nina Albert at Liezl big news
Para kay Albert Martinez, malaking blessing si Liezl sa kanya at sa kanilang tatlong anak.
Masakit na masakit kay Albert ang maaga na pagpanaw ng kanyang asawa na huminto noon sa showbiz para maging full-pledge wife and mother.
Big news noon sa showbiz ang pagtatanan nina Albert at Liezl dahil tutol si Amalia sa kanilang relasyon.
Napakabata pa ni Liezl nang mag-asawa dahil hindi pa yata siya nagdiriwang ng 18th birthday nang magpunta sila ni Albert sa Amerika.
Kasikatan ni Albert nang itanan nito si Liezl na isa sa mga promising young actress noon. Nagsimula ang acting career ni Liezl bilang child star nang magbida siya sa pelikulang Poor Little Rich Girl. Si Amalia ang nag-produce ng unang pelikula ng kanyang anak. Ipinalabas sa mga sinehan ang Poor Little Rich Girl noong 1972 at 5-years old si Liezl nang gawin nito ang pelikula.
MTRCB nagluluksa rin
Nakaburol ang labi ni Liezl sa Heritage Park, Taguig City.
Agad na naglabas ng statement ng pakikiramay ang MTRCB tungkol sa pagpanaw ni Liezl na malaki ang kontribusyon sa Matalinong Panonood na kampanya ng naturang government agency.
“The MTRCB deeply mourns the passing away of its beloved Board Member Liezl S. Martinez. She’ll be missed,” ang statement ng MTRCB tungkol sa pagkawala ni Liezl.
- Latest