^

Pang Movies

Say ni Edu, Luis decided nang hindi kumandidato sa 2016

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pagkatapos ng mahahabang taon, balik-teleserye si Edu Manzano at primetime pa at that, at balik-ABS-CBN din siya. Bihira na rin kasing umarte ang aktor sa pelikula man o telebisyon at mas na-establish talaga ang career niya as a TV host for so many years now.

Kasama si Edu sa seryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Maja Salvador, and Jericho Rosales. Ang napakagandang materyal daw ng serye ang talagang nagpa-convince sa kanya na tanggapin ang offer ng Kapamilya.

“Eto ang pinaka-interesting na project na in-offer sa akin, so it was ano, exciting, eh. Saka, iba ang story ng Bridges of Love, tingnan n’yo habang nade-develop,” sabi ni Edu nang makausap namin sa presscon kahapon.

Ibig bang sabihin nito ay dire-diretso na ang paggawa niya ng teleserye? There was a time kasi na ayaw niyang tumanggap ng mga ganitong proyekto dahil nga sa laki ng oras na kino-consume.

“As you know, meron din akong mga restaurants na mga negosyo. I think now, at this stage of my career, I have the luxury of choosing the roles. So, depende kung may magandang role, bakit hindi?”

Nadako ang usapan sa pa-nganay na anak niyang si Luis Manzano at sa plano nitong pagpasok sa pulitika. Ayon kay Edu ay mukhang hindi na raw yata tatakbo ang anak.

“I think, he decided na hindi. Kasi, it’s hard also na you run for elected office and then, nakikita ka araw-araw sa telebisyon. Especially if you’re local government, mahirap ang local government, pi-sikal, kailangang nandodoon ka para sa kanila,” he said.

Pero pabor ba siya kung sakaling tatakbo si Governor Vilma Santos sa higher position?

“She’s entitled to do anything she wants, you know, but also at the same time, these are very sensitive times, you know, lalo na ‘yung 2016, I think we should take our vote very seriously.

“Kung itutuloy ‘yung mga sabihin na nating tagumpay ng administrasyong ito or do we go back to where we were many many years ago.

“So, ako, I take my vote very seriously, and I hope, the same will go for the whole of the electorate,” pahayag ni Edu.

Kung sakali ba ay susuportahan niya at iboboto niya ang dating asawa?

“I would like to see kung ano ang magiging plataporma niya, you know, gusto kong makita kung sino ang mga magi-ging kasama niya. That’s why I’m saying ganu’n kaimportante sa akin ‘yung boto ko.

“I’m not saying she doesn’t deserve it, pero latagan mo ako kung ano ang vision mo at plataporma mo,” pahayag pa ng aktor.

Jericho personal na nirekomenda si Paulo na kapalit ni Xian

Si Jericho Rosales pala ang nag-suggest kay Paulo Avelino para makasama sa Bridges of Love matapos hindi pumuwede sina John Lloyd Cruz and Xian Lim.

“Nang nagkakaroon na ng problema (sa kung sino ang gaganap), he was one of the names I mentioned. I said, ‘Paulo Avelino,’” kwento ni Echo.

Biro pa niya, “coz I like his face.”

Seriously, say ni Echo nakitaan niya ng ta-lento sa pag-arte si Paulo at na-excite raw siya na maka-trabaho ito.

Para sa kanya, Paulo is the best choice for the role at ang dami nga raw excited for him.

Ayon naman kay Paulo, wala raw kaso kung first, second or third choice man siya. In fact, sobrang na-challenge nga raw siya sa ganda ng kanyang karakter.

Muli ay nilinaw ni Mico del Rosario ng Star Cinema na hindi raw pinalitan si Xian kung hindi na-pull out ito dahil biglang nagkaroon ito ng serye with Kim Chiu.

Magsisimula na sa March 16 ang Bridges of Love at trailer pa lang ay panalo na ito dahil sa ganda.

AYON

BRIDGES OF LOVE

EDU

EDU MANZANO

GOVERNOR VILMA SANTOS

KUNG

NIYA

PAULO

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with