Lani hindi natitinag sa mga problema ng pamilya
Superwoman ang tawag ko kay Lani Mercado dahil ang tibay-tibay at ang tapang-tapang niya sa pagtanggap sa mga pagsubok na nararanasan ng kanyang pamilya.
Mahirap ang mga pinagdaraanan ni Lani dahil may asawa siya na nakakulong, may anak na naka-confine sa ospital at mga constituents sa Bacoor na pinaglilingkuran.
Kung ibang babae ang nasa katayuan ni Lani, baka bumigay o sumuko na sila pero dahil sa malakas na pananalig niya sa Diyos, nananatili na matatag si Lani.
Jolo kailangan ng dasal
Dasal ang hiniling kahapon ni Lani para sa kanyang anak na si Jolo Revilla na muling sumailalim sa operasyon dahil sa internal bleeding.
Serious but stable ang kundisyon ni Jolo na nagkaroon ng self-inflicted wound dahil nasaktan niya ang sarili habang “naglilinis ng baril” at ayon ito kay Atty. Raymond Fortun. I repeat, according to Fortun.
Nagkausap kami ni Jolo sa telepono bago siya inoperahan at puro “opo” ang sagot niya sa mga litanya ko sa kanya.
Wish ko lang, namana ni Jolo ang katatagan ng kanyang nanay na si Lani Mercado na hindi basta natitinag ng mga kontrobersya.
‘Hindi ako apektado ng mga basher’
May nagkuwento sa akin na biktima raw ako ng bashing dahil sa mga statement ko tungkol sa nangyari kay Jolo.
Sorry na lang sa mga basher dahil wala akong social media account kaya never ako na maaapektuhan ng mga paninira ninyo.
Sa totoo lang, inis-talo kayo dahil affected na affected kayo sa mga isinusulat ko na pawang katotohanan. Kung ayaw ninyo na maniwala sa akin, hindi ko kayo pinipilit. It’s your loss, not mine.
Ang importante, the truth and nothing but the truth ang mga report ko. Kayo rin naman ang mapapahiya dahil sa bandang huli, lumalabas din ang katotohanan.
Hindi ako maghahatid ng mga balita na makasisira sa kredibilidad ng PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa).
Sa true lang, nakakaawa ang mga basher dahil naniniwala sila sa kanilang mga maling-mali na paniniwala. Sila ang nabubuhay sa kasinungalingan, hindi ako. Basa sila nang basa sa mga column ko pero react sila nang react. Sino ngayon ang nahihirapan? Sino ang nagpapahirap sa kanilang mga sarili? Definitely, hindi ako.
Pacman maluwalhating nakarating ng amerika
Nag-babu na si Papa Manny Pacquiao sa Pilipinas noong Sabado nang gabi.
Lumipad na siya sa Los Angeles, California para sa kanyang walong linggo na boxing training sa Wildcard Gym.
Maluwalhati na nakarating si Papa Manny sa Amerika at handang-handa na siya sa training niya para sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2.
Dingdong malamang na humingi ng tulong sa mga paring kaibigan
Ngayong gabi ang grand presscon ng Pari Ko’y, ang coming soon na teleserye ni Dingdong Dantes sa GMA-7.
For a change, isang pari ang gagampanan ni Dingdong sa Pari Ko’y at kung hindi ako nagkakamali, first time niya na gumanap bilang pari.
Maraming kaibigan na pari si Dingdong kaya hindi ito mahihirapan sa kanyang role. Tiyak na humingi si Dingdong ng pointers sa kanyang mga kaibigan na pari para maging makatotohanan ang pagganap niya.
- Latest