Maja tinotopak ‘pag may ‘bisita’
Very candid na inamin ni Maja Salvador na tinotopak siya kapag dumarating ang kanyang monthly period.
Nagkuwento ang Kapamilya actress sa muling pagbabalik niya bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin and Panty Liners na lahat daw ng emosyon ay nararamdaman niya kapag “meron” siya.
“Yun ang mahirap sa aming mga babae. Kapag nandiyan na ang monthly visitor namin, kung anu-ano na ang nararamdaman namin.
“Hindi mo ma-explain ang mga nararamdaman mo. Parang gusto mong umiyak, magsungit, mang-away. Kulang na lang maging bayolente ako!” tawa pa ni Maja.
Isama pa raw ang pagiging matakaw ni Maja kapag may bisita siya.
“Grabe ang cravings ko kapag meron ako.
“Gusto kong kainin ang kahit ano. Kaya feeling bloated ako after my period kasi nga kain ako nang kain.
“Kaya ang hirap maging babae talaga!” tawa pa niya ulit.
Kaya sa Omnibus campaign ng Sisters na I Heart Sisters, pinapakita ang pag-uunawaan ng mga kababaihan tungkol sa iba’t ibang problema na may kinalaman sa kalusugan at ang pag-share ng mga secret sa pamamagitan ng social media.
“Importante na magkaisa kaming mga babae dahil pare-pareho ang mga pinagdaraanan namin. Bata, matanda man, mga babae kami na iisa lang ang mga nagiging problema.
“Kaya maganda ang ginawa ng Sisters dahil nalalaman na ng marami kung ano ang nagaganap sa amin physically, emotionally at mentally.
“Kailangan lang namin na may makinig at magbigay ng mga payo.”
Bukod sa bagong endorsements, nagbabalik nga si Maja sa pagbida sa Star Cinema na Bridges of Love.
Heart balik na sa pagsayaw
Sa pagpapatuloy ng ika-65th anniversary ng GMA, bongga ang mga pasabog ng Sunday All Stars na papangunahan ng pagbabalik na ni Heart Evangelista bilang Mrs. Heart Escudero.
Ito ang unang paglabas ni Heart sa SAS pagkatapos itong ikasal noong nakaraang February 15 kay Senator Chiz Escudero.
Handa nang sagutin ni Mrs. Escudero ang maraming gustong makaalam kung ano ang pakiramdam ng pagiging isang misis na at kung ano pa ang mga plano nilang mag-asawa.
Tiyak na mae-excite ang mga kaibigan ni Heart na sina Lovi Poe at Solenn Heussaff na naging mga bridesmaids niya sa kanyang wedding. At ngayong Sunday nga ay meron silang sexy dance number kunsaan makakasama nila ang mga dating sexy actresses na sina Aubrey Miles at Patricia Javier.
Pagkahulog sa stage ni Madonna mas pinag-usapan kesa sa mga nanalo sa Brit Awards
Mas napag-usapan ang pagkakahulog ni Madonna sa entablado habang nagpe-perform ito sa 2015 Brit Awards kesa sa mga nagwagi noong gabing iyon.
Hindi agad natanggal ni Madonna ang suot niyang kapa at nahatak ito agad ng isang dancer kaya nabuwal pababa ng stage ang 56-year old Queen of Pop.
Pero naka-recover kaagad ni Madonna ang kanyang sarili at tinuloy niya ang kanyang pag-perform ng kanyang bagong hit single na Living for Love na mula sa bagong album niya na Rebel Heart.
Isang oras pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nag-post si Madonna ng photo sketch ng kanyang suot na kapa na gawa ni Armani sa Instagram at nilagyan pa niya ito ng caption:
“Armani hooked me up! My beautiful cape was tied to tight! But nothing can stop me and love really lifted me up. Thanks for your good wishes! I’m fine!”
Anyway, ang big winners nga ng Brit Awards ay sina Sam Smith at Ed Sheeran.
Natanggap ni Smith ang British Breakthrough Act at Global Success Award. Samantalang si Sheeran ang nakatanggap ng British Album of the Year at British Male Solo Artist.
“This is déjà vu, I was here last year. This is amazing and the trophies are so beautiful. I’m so happy that Ed Sheeran won those awards, I truly think he deserves them,” sey pa ni Smith.
Masaya naman si Sheeran dahil sa mga napanalunan niya.
“I win now and then but winning isn’t really a thing I’m used to. To be honest, I thought Sam was going to get Album or Male, so it’s nice to get both.
“I think this is the award that every British musician who’s ever been up for a BRIT would like. I was up for it before but Adele was up for it as well so that was a written off thing. I’m glad this time I won.”
Ang iba pang nanalo ay sina Paloma (British Female Solo Artist); Faith British Group (Royal Blood British Breakthrough Act); One Direction (British Artist Video of the Year); Pharrell Williams (International Male Solo Artist); Taylor Swift (International Female Solo Artist).
- Latest