^

Pang Movies

Hindi binigyan ng 13th month noong Pasko: Male celeb nagbantang pagwelgahan ng mga empleyado

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming reklamo ang mga empleyado ng male celebrity na may pinatatakbong negosyo. Matagal na raw gustong iharap ng mga empleyado ang kanilang mga hinaing sa male celebrity, pero umiiwas daw ito at ang mga partner sa kanyang business ang pinapaharap niya sa empleyado.

Kabilang sa mga reklamo sa male celebrity ay ang hindi pagbigay ng bonus at 13th month pay noong nakaraang Disyembre.

Nangako ang male celebrity na ibibigay daw niya ang bonus at 13th month pay ng mga ito sa kanilang Christmas party. Pero dumaan at natapos ang Pasko at Bagong Taon ay wala namang naganap na party at wala ang mga pinangako ni male celebrity na bonus at 13th month pay.

Sa ibang bansa nag-Pasko at Bagong Taon ang male celebrity at wala naman daw magawa ang mga partner nito sa galit ng mga empleyado dahil hindi nila hawak ang pera ng kumpanya.

Ngayon ay nagbabanta na magkaroon ng mass resignation sa kumpanya ng male celebrity kapag hindi pa raw ito makipag-usap sa kanila at ibigay ang mga pinangako nito.

Kung tutuusin daw ay kaya naman daw ibigay ito ng male celebrity. Pero ayon na rin sa mga partners nito, pinapairal daw ng male celebrity ang pagiging kuripot nito.

Kung hindi pa aaksyon ang male celebrity sa mga reklamo ng kanyang mga empleyado, labis na maapektuhan ang kanyang negosyo kapag nag-alisan na ang mga underpaid niyang mga tauhan.

Pacman walang planong i-give up ang basketball

Hindi pababayaan ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang paglaro at pag-coach ng PBA team na KIA Carnival kahit na nagsisimula na siya ng training para sa magiging laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2.

Ayon pa kay Pacman, maganda raw sa training niya ang maglaro ng basketball dahil nakakatulong ito sa kanyang footwork at balance.

Pinabulaanan ni Pacman ang lumabas na balitang mag-LOA or Leave of Absence muna siya sa pag-coach sa KIA Carnival para tumutok sa kanyang boxing training.

Mexican President umalma sa speech ng nanalong best director sa Oscars

Hindi nagustuhan ng presidente ng Mexico na si Enrique Peña Nieto ang sinabi ng nanalong best director sa nakaraang Oscar Awards na si Alejandro Gonzalez Inarritu tungkol sa kalagayan ng Mexican government.

Nanalo ang Mexican director para sa kanyang idinirek na American film na Birdman na nagwagi rin bilang best picture.

Sa acceptance speech ni Inarritu, sinabi nito ay:

“I want to dedicate this award for my fellow Mexicans, the ones who live in Mexico.

“I pray that we can find and build the government that we deserve.”

Malaking issue kasi ang pamamalakad ni Mexican President Peña Nieto dahil magulo ang economy ng naturang bansa at lumalala ang gang-related violence na ikinamatay na ng maraming kababayan ni Inarritu.

Ginagawa ni Peña Nieto ang lahat para ma-ensure ang stable economy at maging safe na ang bansang Mexico para sa kanyang mga pinaglilingkuran.

“As a country it brings us pride to know that Mexicans can triumph — here and outside Mexico — because as a government it’s our job today to make things better,” pagtatapos pa ni Peña Nieto.

 

ALEJANDRO GONZALEZ INARRITU

BAGONG TAON

CELEBRITY

KANYANG

MALE

NIETO

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with