Ruby Rodriguez maraming pagsubok na pinagdaraanan
MANILA, Philippines – Ngayong Martes, silipin ang buhay ng komedyante at host na si Ruby Rodriguez sa award-winning biodocumentary program ng GMA, ang Tunay na Buhay.
Mahigit 20 taon nang ka-Dabarkads si Ruby. Bukod sa pagiging isa sa mga host ng longest-running noontime variety program sa bansa na Eat Bulaga, kasa-kasama rin siya ni Bossing Vic Sotto sa kanyang mga pelikula.
Pero hindi lang pala puro pagpapatawa at pagbibigay saya ang buhay ni Ruby dahil may mga pagsubok din siyang pinagdadaanan. Isa na rito ang pagkakaroon ng anak na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD, bukod pa sa mayroong mga pumupuna sa kanyang timbang.
Alamin ang kuwento ni Ruby Rodriguez sa likod ng kamera kasama si Rhea Santos ngayong Martes sa Tunay na Buhay, 4:35pm, sa GMA7.
- Latest