LT wala pa ring trabaho sa GMA!
Puwede namang gumawa ng pelikula si Lorna Tolentino sa Star Cinema, dahil naka-contract lamang siya sa GMA Network sa mga TV drama series. Since wala pa siyang project after ng My Destiny, natuwa siya nang i-offer sa kanya na maging nanay ni Kathryn Bernardo sa bagong movie nila ng ka-love team na si Daniel Padilla, ang Crazy Beautiful You na idinidirek ni Mae Cruz Alviar. Ang masaya pa, reunion nila ito ni Gabby Concepcion na ilang beses din niyang nakatambal noon sa maraming pelikulang ginawa nila. Gabby naman plays the father of Daniel sa movie.
Naikuwento ni LT na kahit siya ay kinikilig sa mga eksena nina Daniel at Kathryn. Kitang-kita raw kasi ang chemistry ng dalawa. Kasama kasi sila ni Gabby na nag-location sa Mt. Pinatubo in Pampanga kung saan naninirahan ang maraming Aeta. Nasa eksena kasing nagkaroon ng medical mission doon si Jackie (Kathryn) at na-assign namang umalalay sa kanya si Kiko (Daniel). Iyong mga nakikita raw nila sa eksena, parang hindi eksena kundi totoo, between Daniel and Kathryn.
Since nag-presscon ng movie bago nag-Valentine’s Day, natanong si LT kung meron daw ba siyang Valentine date. Hindi ba siya naghahanap ng ka-Valentine? Hindi raw kahit ilang taon nang wala ang husband niyang si Rudy Fernandez.
Paano kung may dumating na tulad ng sa pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla? Biro niyang sagot, titingnan daw muna niya. Ang ka-Valentine daw niya ay ang apo niyang babae na si Tori, mula sa name nilang Victoria. Anak si Tori ng eldest son niyang si Ralph. Napangakuan daw niya si Tori na kapag natapos na siyang mag-shooting ng Crazy Beautiful You, dadalhin niya ito sa Hong Kong Disneyland. Nagtatapos pa ng shooting ang movie na showing na sa February 25, in cinemas nationwide.
Bituin magbabahagi rin ng kita sa pamilya ng Fallen 44
Patuloy pa rin ang ating mga celebrities sa pagtulong sa mga pamilya ng tinaguriang Fallen SAF 44. Kung ibabahagi ni Ogie Alcasid ang proceeds ng concert niya sa Philippine Arena, magbabahagi rin si Bituin Escalante ng proceeds ng Chinese New Year concert niya sa Zirkoh, Tomas Morato, bukas, February 19. May mga special guests si Bituin na nag-record pa ng isang awitin, At Sasaya Ang Pilipinas, na isinulat ni Jim Paredes. Hindi lamang iyon isang romantic love song but patriotic song na tiyak na mararamdaman ng mga makakarinig ang lyrics ng awitin.
Ini-record ito ng mga guests ni Bituin na sina Egdar Allan Guzman, Vin Abrenica, CJ Reyes, at Luigi Yotoko sa Sonic State Audio, produced by Noel Ferrer.
Celeb malaya na sa production, puwede nang tumanggap ng trabaho sa iba
Hindi na nga ba nakuha ng isang celebrity ang magandang kontrata niya sa kanyang production? Meron yatang pagbabago sa pamamalakad ng production at isa siya sa naapektuhan. Pero may maganda naman daw na result ang pangyayari dahil mas maluwag na sa kanya ang production. Ibig sabihin, puwede na siyang gumawa ng project sa ibang production. Dati kasi, kahit may offer sa kanya, hindi niya matanggap dahil nakatali siya sa kanyang kontrata.
- Latest