^

Pang Movies

Raymart nagmumukhang binata kay Jennylyn

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Marami ang nakakapansin na nagmumukang binata si Raymart Santiago magbuhat noong magkatambal sila ni Jennylyn Mercado sa Second Chances. Nag-iba rin ang aura ni Jennilyn lalo’t may eksena silang love scene. Bagay ang dalawa, bagama’t malimit mabanggit, tipong nagkakabalikan kuno sina Jennylyn at Dennis Trillo ngayon.

Andi puro kanegahan na lang ang isyu

May mga nagtatanong kung bakit tuwing may teleserye o bagong movie na gagawin si Andi Eigenmann ay palagi na lamang topic ang ama ng anak niya? Nakakasawa na raw kasi at walang bagong mapag-uusapan. Nega kasi ang dating nito sa kanyang mga tagahanga. Hindi sila natutuwa or excited dahil paulit-ulit na itong topic. Ayan, nakakaungos na tuloy si Liza Soberano sa mga kapanabayan tulad ni Andi at ibang bagets sa ABS-CBN.

Subic Baliuag Fiesta inulan ng naggagandahang dalaga!

Maraming salamat po sa invitation sa amin sa Subic Baliuag Fiesta 2015 nina President Mon Magalonzo at Subic Chairman Allan Bautista na maging isa sa mga judges sa pagpili ng Miss Subic Baliuag. Nakasabay naming nag-judge sina Honorable Bokal Buko dela Cruz, Councilor Madette Quimpo, Ms. Salome San Juan, Mrs. Matt Esteves, Harold Santiago, Renato de Guzman, Rafael Magalonzo at Erline Pechay dela Cruz. Salamat din po kina Rey at Letty Buenaventura, Hermano Mayores ng Fiesta. Masaya ang naging kapistahan, kaya lang hindi natuloy ang ipinangakong mga artistang dadalo sa naturang event.

Kiko kinukumusta ng fans kay Kim

Nagtataka si Kim Rodriguez dahil Jack ang tawag sa kanya ng fans noong mag-motorcade sa fiesta ng San Antonio, Gapan, Nueva Ecija. Nalaman lang niya na sikat pala sa lugar ang Strawberry Lane na serye niya noon. At nagtataka din ang dalaga kung bakit kinukumusta sa kanya si Kiko Estrada. Akala pala ng mga fans, mag-boyfriend sila!

May bago siyang serye sa GMA na Family Secret. Nag-aaral sa San Mateo, Rizal ang halos six-footer na bagets.

Fans sabik na Sharon hindi na kailangang magpapayat pa!

Dapat sigurong ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa si Megastar Sharon Cuneta. Huwag na niyang hintayin pang pumayat pa siya. Ang mas mahalaga naman kasi ay tinatawagan ka ng publikong mag-balik showbiz. Ang mahirap niyan, baka kapag payat na payat na si Mega, at saka naman nawalan na ng gana ang kanyang mga tagahanga. ‘Yun ang mahirap at magiging malaking problema. Saka hindi naman dapat magpapayat ng sobra si Mega, dahil luluyloy ang kanyang balat kapag sobrang payat na niya. Kaya mag-comebcak ka na Mega marami na ang naghihintay sa’yo.               

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

COUNCILOR MADETTE QUIMPO

CRUZ

DENNIS TRILLO

ERLINE PECHAY

FAMILY SECRET

MEGA

SUBIC BALIUAG FIESTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with