Aktor kumakausap na ng abogado na hindi alam ng aktres showbiz couple nangangamoy hiwalayan
Mukhang mauuwi na sa hiwalayan ang showbiz couple na ito na matagal nang hindi aktibo sa paglabas sa TV o pelikula.
Ayon sa aming source ay kilala nito ang abogado na kinakausap ngayon ng aktor. Nais daw kasi nitong dalhin ang anak nila sa ibang bansa. Inaalam ng aktor ang mga dapat niyang gawin para maayos ang pagkuha niya sa bata.
“Pati mga ari-arian daw nila ay pinapaayos na niya sa abogado. Eh hindi naman daw kasi sila kasal ng aktres kaya walang puwedeng i-claim na conjugal property. Ang gusto lang daw ng aktor ay ang makuha kung ano ang sa kanya, kasama na raw doon ang pera nila sa bangko,” sey pa ng source namin.
Magugulat na lang daw ang aktres sa mangyayari dahil tila clueless ito sa mga ikinikilos ng aktor.
Ilang buwan na raw silang magkahiwalay ng kuwartong tinutulugan dahil sa isang matinding problema na hindi na nila kayang ayusin pa.
Angela nahirapan maging madrasta ng tatlong anak ni Diego
Hindi madali para sa UNTV news anchor and broadcast journalist na si Angela Lagunzad na tumayong ina sa tatlong anak na babae ng kanyang fiancé, ang actor-turned-news anchor na si Diego Castro.
Ever since na nagkakilala sila at maging sila, tinanggap na niya ang responsibilidad bilang ina sa tatlo anak ni Diego mula sa dalawang ex-wives nitong sina Raven Villanueva at Rina Rosal.
Ito ay sina Angelica (16), Gianna (14), and Rafa (13). May sarili na ring anak sila Angela at Diego na si Mio (7).
Sey ni Angela na bago niya tinanggap si Diego sa buhay niya ay una niyang tinanggap ang mga anak nito. Tanggap niyang magiging madrasta siya sa mga anak ni Diego.
“I met his kids mga bata pa sila talaga. I think they were just like 3 or 4 years old. Kaya parang ako na rin ang nagpalaki sa kanila. Ako na ‘yung nakasama nila as their mom.
“It wasn’t easy at first kasi may mga adjustments kaming pinagdaanan.
“Tsaka I want to make sure na it would be okay with their moms na sa amin sila titira. It turned out naman okay and they’ve been with us hanggang ngayon. ‘Yung isang daughter ni Diego from Rina, nandoon siya ngayon sa lola niya. But sometimes nasa amin siya.
“Now the three girls are teenagers na and they’ve gotten close to me na. Para silang mga barkada ko. Lalo na si Angelica, we’re very close at kasama ko siya when we shop.
“So parang naging blessing na rin sila sa amin ni Diego. Tapos we have a son pa and the girls love him very much.”
May plans ba sila ni Diego na magkaroon pa ng isa pang anak?
“I guess, Diego has enough kids na! Huwag na naming dagdagan pa!” tawa pa niya.
“I mean, apat na sila, eh. That’s already a big bunch, ‘di ba? Isipin na lang natin ‘yung expenses ng mga bata ngayon.
“Aside kasi sa mga anak niya, Diego is also helping out sa schooling ng ibang mga kapatid niya. Kaya minsan naaawa ako sa kanya because he’s working so hard talaga. But never mo siyang marinig na mag-complain talaga.
“He loves his kids and his sibling so much. Kaya naman na bless siya na maging news anchor ng Why News sa UNTV.
“But if God blesses us with another, then it would be a blessing para sa amin.”
Graduate nga ng kursong Mass Communication sa Trinity University of Asia si Angela.
Nagsimula siya bilang isang traffic reporter sa radio news program hanggang sa maging co-anchor na siya ng Tagalog news program ng UNTV na Ito Ang Balita.
Bukod sa pagiging news personality, gumawa rin ng ilang TV commercials at print ads si Angela. Lumabas siya sa mga TVCs ng Shakey’s, Energen at SM Cinema.
Kahit litaw ang mga taba pinupuri pa rin Cindy Crawford kumalat ang unedited photos sa internet
Mga unretouched leaked pictures ng supermodel na si Cindy Crawford para sa Marie Claire magazine ang nagsi-circulate ngayon sa Internet.
Pero imbes na maalarma ang naturang magazine, natuwa pa ang mga ito dahil hindi nga naman daw kahiya-hiya ang mga litrato ni Crawford kahit na hindi ito dumaan sa Photoshop.
Pinost ng isang news anchor ng ITV News in UK ang mga leaked photos ng 48-year-old supermodel sa kanyang Twitter page at proud siya na sa edad ay alaga pa rin ang katawan nito.
Naglabas ng statement ang Marie Claire magazine patungkol sa leaked photos:
“An unretouched photo of Cindy Crawford has been circulating on Twitter this morning, revealing a body that defies expectations—it is real, it is honest, and it is gorgeous.”
Ang mga naturang photos nga ay galing pa sa cover pictorial ni Crawford sa December 2013 cover story ng Marie Claire Mexico and Latin America.
Sa mga netizens na nakita na ang mga photos over social media, walang negative comment kundi “inspirational” nga raw ang mga ito.
“This image is a testament to the beauty of the female form,” ayon pa sa Marie Claire South Africa.
- Latest