^

Pang Movies

Sa pakikipagbalikan kay Jake at away Albie Gabby ayaw nang pakialaman ang buhay ni Andi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iba talaga kapag mahusay na actor, hindi problema ang project. Si Gabby Eigenmann ang tinutukoy namin. Napapanood ngayon si Gabby as Fr. Mads sa primetime drama series na Once Upon a Kiss na madalas mag-advice sa bidang si Prince (Miguel Tanfelix). Kasama rin siya ngayon sa bagong inspirational drama series ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na Pari Ko’y na mapapanood na simula sa March 16, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Ipapalit ito sa More Than Words nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Pero hindi lamang iyon, may bago pang light, heartwarming and highly entertaining family drama na gagawin si Gabby, ang InstaDAD kasama sina Matet de Leon, Ash Ortega, Juancho Trivino, Jazz Ocampo, Prince Villanueva, sa direksyon ni Neal del Rosario. Mapapanood ito tuwing Linggo, simula sa March 22, pagkatapos ng Sunday All Stars.

Thankful si Gabby that God is very good daw to him, nang makausap namin. Natanong tuloy si Gabby tungkol na naman sa issue ng nakababatang kapatid na si Andi at ang pagbabalikan nito at ni Jake Ejercito at pag-aaway na naman nila ni Albie Casiño na hindi pa rin matanggap na siya ang ama ng anak ni Andi.

Ayaw na raw niyang mag-comment tungkol sa private life ng mga kapatid niya. Siya nga raw ang eldest sa kanilang magkakapatid at puwede siyang magbigay ng advice pero hanggang doon na lamang siya, malalaki na raw ang mga kapatid niya at puwede na silang mag-decide para sa mga sarili nila.

Julian excited i-share sa fans ang natutunan sa Korea

Humarap agad sa entertainment press kahapon si Julian Trono nang makabalik siya sa bansa mula sa Korea last Saturday, February 14. Nagkuwento ang GMA Artist Center’s pride ng recent tapings and guestings niya in Korea. Bago bumalik sa Pilipinas si Julian, tinapos muna niyang mag-perform sa Show Champion na ipalalabas doon bukas, February 18, sa MBC, a major TV network in Korea. Inawit niya roon ang first single niyang Wiki Me na ilu-launch naman niya sa Sunday All Stars sa Linggo, February 22.

While in Korea, na-meet ni Julian ang ibang local groups and artists doon. Tinapos din niyang mag-shoot ng music video at na-meet niya ang performing arts students ng prestigious Kimpo College.

Nai-feature na rin si Julian sa Korea Today ng Arirang Channel, a morning news magazine program na nagpi-feature ng Korean culture, fashion and food. Na-interview rin si Julian ng TV Chosun at iba pang print media kung saan ipinakilala siya bilang isang promising artist who trains in the Philippines and Korea to learn the styles of K-Pop and debut as a singer-dancer in the Philippines.

“Pagkatapos ko pong mag-perform sa Show Champion, na-excite na akong umuwi dito para mai-launch ko na ang aking single,” sabi pa ni Julian. “Feeling ko po kasi kung nakapag-perform ako doon, dapat magawa ko rin dito.”

Ang Wiki Me ay nagsimula nang ma-download sa iTunes noong February 15 at iba pang digital stores. Iri-release rin ito ng GMA Records worldwide.

ALBIE CASI

ANDI

ANG WIKI ME

ARIRANG CHANNEL

ARTIST CENTER

ASH ORTEGA

ELMO MAGALONA

SHOW CHAMPION

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with