Michael ‘iniwan’ ang misis sa Amerika para kay Audie!
Nagbabalik nga sa paglabas sa isang musical theatre production ang award-winning actor na si Michael de Mesa via La Cage aux Folles na produced ng Works Theatrical Production.
Naging busy nga si Michael sa paglabas sa magkakasunod na teleserye sa GMA-7 tulad ng Indio, Kasalanan Bang Ibigin Ka, Kahit Nasaan Ka Man, Innamorata at Once Upon A Kiss.
Lumabas din ang aktor sa mga pelikulang OTJ: On The Job at 10,000 Hours.
Sa La Cage aux Folles ay nakakasama niya umarte at mag-perform sa entablado si Audie Gemora. Gagampanan nga nila ang roles bilang Georges at Albin, isang homosexual couple na may-ari ng isang nightclub sa Saint-Tropez.
“I’m excited because it’s my first time to work with Audie who I’ve known for the longest time. It has been my dream to work with him, which is why I grabbed this project right away when it was first offered to me,” ngiti ni Michael.
Una ngang umarte sa entablado ang 54-year-old actor noong 1983. Ginawa rin niya ang musical na Hairspray in 2008 at A Fire In The Soul: A Cantata in 2012.
“For me, theater is an actor’s medium, film is a director’s medium while television is more of a corporate medium nowadays,” sey niya.
Kung tutuusin ay tahimik na ang buhay ni Michael sa Amerika kung saan kasama niya ang kanyang misis na si Julie Reyes. Pero kahit na anim na taon na siyang nanirahan doon at may maayos naman siyang trabaho, gusto pa rin balikan ni Michael ang pag-arte.
Mula sa direksyon ni Robbie Guevarra ang La Cage aux Folles, makakasama ni Michael at Audie sina Steven Silva, Missy Macuja Elizalde, Joni Galeste, JP Basco, Mara Celine Javier, Randi de Guzman, Carlos Deriada, Chesko Rodriguez, Dindo Divinagracia, Cheeno Macaraig, James Stacey and Rafa Siguion-Reyna.
The musical will be staged at the RCBC Plaza in Makati on February 28, March 1, 7, 8, 21, 22, 27, 28 and 29.
Mike, Louise, Benjamin at Glaiza suwerteng nakapag-workshop sa RADA
Masuwerte nga ang mga Kapuso stars na sina Mike Tan, Louise delos Reyes, Benjamin Alves at Glaiza de Castro dahil naka-experience sila na mag-acting workshop sa ilalim ng Royal Academy for Dramatic Arts (RADA) sa tulong ng Philippine Education Theater Association (PETA).
Anim na araw ang short course on Acting Techniques na pinagdaanan ng mga Kapuso stars sa pamumuno ng mga RADA facilitators.
Kilala ang RADA sa buong mundo bilang isa sa foremost drama academies at may reputasyon ito bilang world leader at center of excellence in drama and theatre.
Mga famous alumni ng RADA ang mga Hollywood stars na sina Alan Rickman, Sean Bean, Felicity Huffman, Ralph Fiennes, Allison Janney, Anthony Hopkins at iba pa.
Ikinatuwa ni Direk Maryo J. Delos Reyes na nagkaroon ng pagkakataon ang mga baguhang artista na ito na mapag-aralan nila ang mga bagong techniques sa pag-arte on film and television.
Uma Thurman nasobrahan sa pagpapaayos ng mukha, hindi na rin makilala
Nag-trending sa social media ang bagong mukha ng Hollywood actress na si Uma Thurman.
Um-attend ang 44-year-old actress ng premiere party ng kanyang mini-series na The Slap at marami ang hindi nakakilala sa kanya.
Katulad na raw siya ng Hollywood actress na si Renee Zelwegger na hindi nakilala ng mga photographers dahil may pinaiba ito sa kanyang mukha.
Ayon pa kay Uma ay nag-iba lang daw siya ng make-up kaya hindi siya namukhaan ng marami. Pero ayon sa isang Hollywood cosmetic doctor, walang kinalaman ang make-up sa pagbabago ng mukha ni Uma.
“Uma certainly looks like she’s undergone a dramatic transformation and in my opinion, she’s looking too overdone.
“The thing that strikes me most is that her eye area looks very different. It looks as though she’s had a recent lower blepharoplasty treatment, also known as eye bag removal. She isn’t wearing any eyeliner or mascara, probably in order to avoid infection from the new surgery.
“Her face shape seems to have changed significantly – her face looks less defined. I would say that she’s probably had a recent course of strong chemical peels as well as some dermal filler injected into the cheeks and nasal labial area; which is all contributing to this swollen-looking finish as it can have this effect immediately after undergoing these treatments.
“Her forehead is also very prominent and looks rather elongated, shiny, taut and line-free, which are all classic tell tale signs of regular Botox use.
“I would suggest that she’s had too much product injected into this area, which is contributing to her brow and upper eyelids looking very heavy.
“The combination of these possible procedures is making her look less youthful, and we’d advise Uma to lay off the treatments for a while and if and when she does have them, to remember that less is more.
“At her age, she would benefit from taking a more subtle approach as she is a naturally attractive woman and doesn’t require too much product.”
Anak ni Jackie Chan magsasalita na matapos makulong
Nakalabas na sa kulungan sa Beijing, China ang anak ng Asian superstar Jackie Chan na si Jaycee Chan pagkatapos itong mag-serve ng anim na buwang sentensya dahil sa drug charges.
Noong August 2014 pa nga naka-detain si Chan noong mahulihan ito ng 100 grams of drugs sa bahay nito. Noong December 2014 siya officially nakasuhan at naharap nga siya sa tatlong taong pagkakakulong.
Haharap sa isang press conference ang 34-year-old actor para sa kanyang unang public interview tungkol sa nangyari sa kanya.
Malaking kahihiyan nga ang dinala nito sa kanyang amang si Jackie dahil goodwill spokesman pa naman ito ng China National Anti-Drug Committee since 2009.
Hindi lang si Jaycee Chan ang nahulian na may drogang tinatago sa kanyang tahanan. May mga nahuli rin silang mga kilalang screenwriters, at film directors na gumagamit ng synthetic substances tulad ng methamphetamine, ketamine and ecstasy.
- Latest