Derek napilitang kumanta!
Very successful ang Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako! The Jennylyn Mercado Valentine concert held at SM North EDSA Skydome last Friday, February 13. Nakasama ni Jennylyn ang mga co-stars niya sa movie nilang English Only, Please like Jerald Napoles na patok sa audience ang pagpapatawa. Puwede siyang maging stand-up comedian. Hindi naman binigo ni Derek Ramsay ang leading lady niya at kahit sabi niya na hindi siya marunong kumanta, kinanta niya ang The Way You Look Tonight at may bitbit siyang teddy bear para sa leading lady niyang si Tere Madlansacay. Iyon daw ang first and last time na kakanta siya.
As usual, nagpakitang gilas sa stage ang ka-love team niyang si Mark Herras at siya pa rin ang tinaguriang bad boy ng dance floor. Mainit pa rin ang pagtanggap ng fans kina Jennylyn at Dennis Trillo, kinantahan niya si Jen ng After All kaya kilig na kilig ang fans nila at sumigaw ng “kiss, kiss.” Nag-kiss naman si Dennis kay Jen bago umalis ng stage. Umani rin ng malakas na palakpak at tilian si Gloc 9. Director si Calvin Neria ng concert na co-producer din si Jennylyn. Congratulations!
Janine gumanda na
Last Friday, napanood nang gumanda si Ikay (Janine Gutierrez) sa More Than Words ang primetime soap nila ni Elmo Magalona as Hiro. Hindi nakilala si Ikay ng bashers niya dahil beauty na siya matapos magkaroon ng transformation mula sa pag-aayos ng natanggal niyang ngipin nang mangudngod siya at sa bago niyang hairstyle at make-up. Kaya tonight, ang maganda nang si Ikay at si Hiro ang makikigulo sa Valentin?
Dingdong at Marian nag-solo sa Palawan, trying talagang gumawa ng baby
Gaganap na isang pari si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa bago niyang inspirational drama series na Pari ‘Koy. Balik-trabaho na si Dingdong at ginanap na ang story conference last Friday, February 13. Siya si Kokoy, mula sa isang magandang pamilya pero pinili niyang maglingkod sa simbahan. Maa-assign siya sa isang community kung saan masusubukan ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.
“Bilang mga Pilipino, we have our ways of practicing our faith kaya malapit talaga sa puso ko ang role ko rito, na first time ko lamang gagampanan,” sabi pa ni Dingdong.
Kasama ni Dingdong sa cast sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, child stars na sina Lindt Johnston, Jhiz Deocareza at si Jillian Ward, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Unang naging director ni Dingdong si Maryo J. sa Pahiram ng Sandali with Lorna Tolentino and Max Collins.
After the story conference, umalis na si Dingdong kasama ang wife niyang si Marian Rivera para sa Valentine celebration nila in a place in Palawan. Kahapon, nag-post na si Marian ng photo nila sa Instagram (IG) account nito.
- Latest