^

Pang Movies

Mga nasasayang na kanin sa karinderya babantayan ng ID!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Huwebes, susuriin ng Investigative Documentaries ang pagkasayang ng mga butil ng kanin sa bansa.

Tatlong beses isang araw, nasa mesa ng karamihan ng pamilyang Pilipino ang kanin. Pero sa araw-araw, kada Pilipino raw ay nagsasayang ng tatlong kutsarang kanin. Katumbas ito ng mahigit tatlong kilo kada tao, kada taon, ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Para sa magkaibigang Marimar at Pacquiao, ang bawat almusal, tanghalian, at hapunan ay resulta ng maraming oras ng hirap. Iniikot nila ang Binondo at Delpan sa Maynila para manghingi ng kanin sa mga karinderya. Gumagawa rin si Marimar ng paraan para makapag-uwi ng kanin sa mas bata pa niyang kapatid.

Kabilang ang mga gaya nina Marimar at Pacquiao sa mahigit isa at kalahating milyong pamilya na walang sapat na kita para bumili ng pagkain, ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB).

Tatlong karinderya ang binantayan ng Investigative Documentaries. Paano nasasayang ang kanin sa ganitong uri ng negosyo? Sa bawat bahay, saan nangyayari ang pagkasayang ng mga butil? Alamin ang sagot ngayong Huwebes, Pebrero 12, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE

INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES

MALOU MANGAHAS

MARIMAR

METROBANK JOURNALIST OF THE YEAR

NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD

NGAYONG HUWEBES

PACQUIAO

PILIPINO

TATLONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with