Male celeb naghahanap ng bagong manager, nauntog na sa kasamaan ng ugali
Naghahanap na ng taong magmama-manage sa kanya ang male celebrity na ito.
Dalawang taon na pala itong walang manager at pinili nito na huwag munang kumuha dahil marami siyang inayos sa buhay niya.
Ngayon ay marami nang gustong kumuha sa kanya at kailangan na niya ng may magri-represent sa kanya lalo na pagdating sa kanyang talent fee.
May mga producer kasi na binabarat siya at dahil alam nilang walang manager ito, minsan ay nakukuha siya sa maliit na talent fee.
Dahil sa mukhang kinukuha na siya ulit, lalo na sa shows sa probinsya, nakikipag-meeting na ito sa mga puwedeng mag-manage sa kanya.
Ang kailangan lang niyang patunayan ay magiging madali siyang katrabaho. Nagkaroon kasi ng attitude problem ang male celebrity na ito noong panahon na in demand siya.
Sinukuan na siya ng mga taong tumutulong sa kanya ng ilang taon dahil hindi na nila matiis ang pagiging arogante nito sa ibang tao at pati na rin sa kanila. Ngayon ay tila natuto na si male celebrity sa mga pagkakamali nito. Natuto na siyang maging humble dahil naranasan na niyang mawalan ng trabaho sa pagpapakita niya ng masamang asal.
Beauty queen maker nagsalita sa ginagawa ni Ms. Araneta sa Binibini
Pinagtanggol ng beauty queen maker na si Jonas Antonio Gaffud si Madam Stella Marquez-Araneta pagkatapos itong ma-bash sa social media dahil sa mga binitawan nitong salita tungkol sa mga Pinoy designers.
Bilang malapit si Jonas kay Madam Stella, naniniwala siyang may karapatan na magdikta ito sa mga dapat na isuot ng ating mga magiging representatives sa mga international beauty pageant.
“Mrs. Araneta has the right to choose what to wear for our delegate. She owns Binibining Pilipinas, it’s not something that she could resign or retire and give to another person.”
Pero sang-ayon si Jonas sa opinion ng ilan na dapat ay mga Pinoy designers ang dapat magdamit sa ating mga kandidata.
“It’s good to have Filipino designers and I believe na magagaling naman talaga sila, ‘di ba?
“Tulad noong nangyari sa Miss World, nanalo si Megan Young wearing a gown by Francis Libiran. Ang ganda, ‘di ba? Napo-promote natin ang husay ng Pinoy.
“Pero still, depende pa rin yan. Ang maganda lang kasi sa Binibini, Stella provides for anything.
“From the make-up to the accessories, gowns at kahit mga panty ‘yan, siya lahat ang gumagastos. Binibili niya yun, walang hinihiram,” sabi pa ni Jonas Gaffud.
Kanye galit na naman sa pagkatalo ni Beyoncé sa Grammys
Muli na namang gumawa ng kanyang eksena si Kanye West sa kakatapos lang na Grammy Awards dahil nag-react muli ito sa pagkatalo ni Beyoncé sa Album of the Year category.
Tinalo ang self-titled album ni Beyonce ng album na Morning Phase ng singer na si Beck.
Muntik na ngang ulitin ni Kanye ang ginawa niya sa MTV Video Music Awards noong 2009 kay Taylor Swift nang magsalita ito sa mic na mas deserving daw manalo ang MTV ni Beyoncé na Single Ladies kaysa You Belong With Me ni Taylor.
Imbes na manggulo sa awards proper si Kanye, nag-walkout na lang ito at sa backstage na lang siya ng Staples Center nagpa-interview at nilabas ang kanyang sentimyento.
“I just know that the Grammys, if they want real artists to keep coming back, they need to stop playing with us. We ain’t gonna play with them no more. And Beck needs to respect artistry and he should’ve given his award to Beyoncé.
“And at this point, we tired of it because what happens is, when you keep on diminishing art, and not respecting the craft, and smacking people in the face after they deliver monumental feats of music, you’re disrespectful to inspiration.
“And we as musicians have to inspire people who go to work every day and they listen to that Beyoncé album, they feel like it takes them to another place, then they do this whole promotional event that, they’ll run the music over somebody’s speech, the artist, because they wanted commercial advertising.
“And by the way, I got my wife, I got my daughter, and I got my clothing line, so I’m not gonna do nothing to put my daughter at risk, but I am here to fight for creativity. That’s the reason I didn’t say anything tonight. But y’all know what it meant when ‘Ye walks on that stage,” talak pa ni Kanye.
Major upset ng gabing iyon ang pagkapanalo ni Beck sa Album of the Year category. Bukod sa album ni Beyoncé, inaasahan din ng marami na ang mananalo ay ang album ni Sam Smith na In the Lonely Hour.
“I thought she was going to win. Come on, she’s Beyoncé!” sey pa ni Beck nang humarap ito sa media after ng Grammys.
Anyway, big winner nga ng Grammys ang British singer na Sam Smith. Nauwi niya ang apat na trophies (Best New Artist, Record of the Year, Song of the Year, Best Pop Vocal Album) para sa kanyang hit single na Stay With Me.
- Latest