Thea malaki na ang kinita sa pang-aapi kay Barbie
Extended pa ulit hanggang May, 2015 ang The Half Sisters ng GMA-7 na idinidirek ni Mark Reyes. Tiyak na tuwang-tuwa ang bumubuo sa cast ng soap na noon pang June 2014 nagsimulang mapanood after ng Eat Bulaga. Very happy si Thea Tolentino na gumaganap bilang si Ashley, ang kontrabida sister ni Diana (Barbie Forteza) sa story. Dahil daw sa tagal na ng kanilang soap, malaki na ang naitutulong niya sa parents niya. Pero hindi ba siya nag-aalala na marami nang fans ni Barbie ang nagagalit sa kanya? Siguro iyong iba, pero sa mga mall shows daw nila, hindi naman at sa halip, may nabuo ngang Team Ashley at iyon na ang itinatawag sa kanya ngayon, Ashley na, hindi na Thea.
Pero thankful si Thea dahil sa pagganap niya bilang kontrabida, na-realize niyang iyon ang bagay na role sa kanya, iyong nang-aapi at hindi inaapi. Minsan daw, noong bago pa lamang ang soap nila, may pumunta sa bahay niyang fans na nagagalit dahil sa pang-aapi kay Barbie. Pero ipinaliwanag niyang role lamang iyon at masaya lagi sila sa set ni Barbie, with Andre Paras and Derrick Monasterio. Abangan na raw lamang dahil marami pang twists na mangyayari at papasok na raw ang character ni Nilo (Jomari Yllana) at Ysabel (Eula Valdez).
Elmo at Janine sa trabaho magdi-date sa Feb. 14
Tiyak na malulungkot ang fans nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez dahil ilang linggo na lamang ay matatapos na ang primetime drama series nilang More Than Words. Gumaganap si Janine bilang si Ikay sa serye na hindi masyadong kagandahan, kulut-kulot ang buhok, at may may naka-usling ngipin.
Very open na ang relasyon nina Elmo at Janine at kita ang sweetness nila sa isa’t isa. Sa nalalapit na Valentine’s Day, saan sila pupunta? Hindi pa raw nila alam dahil taping day nila ang araw na iyon. At least magkasama naman sila kahit work, ni Elmo.
Julian hindi press release ang pagpunta sa Korea
Ang suwerte naman ni Julian Trono. At least totoo at hindi press release lamang ang pagpunta niya sa Korea para mag-guest sa Korea Today ng Arirang Channel. Habang ini-interview siya, ipinakita ang video clips ng binata habang nagsasayaw sa harap ng Korean fans na halatang bumilib sa husay niya. Bukas, February 11, mapapanood naman ang paggi-guest ni Julian sa Show Champion ng MBC channel kung saan kakantahin niya ang single niyang Wiki Me na K-Pop na ang tunog. Pagbalik ni Julian sa Pilipinas, ipu-promote na niya ang single dahil idi-distribute ito ng GMA Records worldwide.
- Latest