^

Pang Movies

Pananakot nina Jake at Bea pang-Valentine rin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Humanga kami sa kabuuan ng horror movie na Liwanag sa Dilim na napanood namin sa isang special press preview sa Wildsound sa Sampaguita Studios. Dahil Dolby sound, ang liwanag ng sound, musical scoring, ang ganda ng cinematography, visual at special effects, at ang production design, tamang-tama sa tema ng movie. Nalaman namin na nagtayo sila ng dalawang bahay sa gitna ng malaking lugar sa Tanay, Rizal at binihisan ito para magmukha talagang bahay na may nakatagong lihim. Halatang hindi nagtipid ng budget ang APT Entertainment at ibinigay lahat ng kailangan ni Direk Richard Somes. Maganda rin ang story at screenplay, na horror man ang genre ay may mga situational comedy scenes din.

Mahuhusay ang mga artistang bumuo ng cast na sina Sarah Lahbati, Bea Binene, Jake Vargas, Igi Boy Flores, Rico Blanco, Sunshine Cruz, Freddie Webb, Allan Paule, Julian Trono, at Dante Rivero.

Kung totoong may tampuhan sa pagitan nina Bea at Jake, hindi halata iyon sa mga eksena at tiyak na kikiligin pa rin ang mga Jabea fans lalo na kapag nakaalalay lagi si Jake kay Bea. Sa kabuuan ng movie, masasabi naming puwede kayong sa sinehan mag-celebrate ng Valentine’s Day dahil showing na ito sa Wednesday, February 11 in cinemas nationwide. May premiere night naman sila bukas, February 10 sa SM Megamall Cinema 8 at 7:00 p.m. Binigyan ang movie ng PG (Parental Guidance) classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sarah seryoso, hindi ngumingiti 

Pinahanga kami ni Sarah Lahbati sa husay ng pagganap niya bilang ang misteryosang si Minerva sa Liwanag sa Dilim.” Seryoso ang character niya at hindi yata namin nakitang ngumiti man lamang siya kahit minsan sa eksena pero carry niya ang kanyang role. Sino ba talaga si Minerva at kaya niyang makipaglaban sa mga lalaki? Mahusay ang kanyang facial expression at delivery niya ng dialogues.

Sa ngayon, bukod sa pagpu-promote ng Liwanag Sa Dilim, every Sunday ay nagho-host at kumakanta si Sarah sa Sunday All Stars. Noong presscon natanong si Sarah kung may bago na siyang gagawing project sa GMA-7. Wala pa raw ang sagot ng magandang aktres. At ngayong February matatapos na pala ang contract niya sa GMA Network. Hindi pa raw niya alam kung ano ang gagawin niya kung magri-renew siya ng contract niya sa GMA.

Dion hindi sanay na naka-suit at laging nag-i-English

Pilot episode na mamaya sa afternoon prime ng GMA-7 ang Kailan Ba Tama ang Mali? pagkatapos ng Yagit. Na-challenge si Dion Ignacio sa role niya bilang isang rich business executive, laging naka-suit at nagsasalita ng English na kabaligtaran sa usual character na ginampanan niya sa mga proyekto.

Iyong huling ginawa niyang soap na Innamorata, gumanap siyang isang butcher sa palengke. Ipinagpapasalamat niya na tinutulungan siya ng kanilang acting coach sa set at ng katambal na si Max Collins sa tamang pag-deliver niya ng kanyang mga English lines.

Sa story ng Kailan Ba Tama ang Mali? si Dion ay si Oliver, boss ni Amanda (Max). Kahit may asawa na si Amanda (Leo na ginagampanan ni Geoff Eigenmann), inakit niya ito at iniwanan ang asawa. Walang ibang matakbuhan, bumalik si Leo kay Sonya (Empress Schuck), dati niyang girlfriend, nagsama sila at nagkaanak. Ano pa ang mga twists sa drama series na idinidirek ni Gil Tejada? Subaybayan ang magsisimula nang afternoon prime ng GMA.

 

ALLAN PAULE

AMANDA

BEA

BEA BINENE

DAHIL DOLBY

DANTE RIVERO

KAILAN BA TAMA

NIYA

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with