Daniel sumahod ng P1-M kada araw!
Naibalita ng isang very reliable source ang tungkol sa kasikatan ni Daniel Padilla. Ayon dito binayaran ang aktor ng P1-M per shooting day nang gawin ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Bonifacio, Ang Unang Pangulo na pinagbibidahan ni Robin Padilla.
Kung totoo man ito, laking suwerte ni Daniel ‘di ba?
Out of this world na love story
Handog ng Solar Pictures ngayong buwan ng Pebrero sa mga mag-sweetheart ang isang super kilig na pelikula tungkol sa pag-ibig kung saan magiging matatag ang kanilang pag-iibigan kahit padparin sila sa iba’t ibang kapanahunan (time travel) at sa iba’t ibang universe sa loob ng anim na taon.
Sa panulat at direksyon ni Sam Esmail ang mga bida ng Comet ay sina Golden Globe nominee Emmy Rossum (The Day After Tomorrow, The Phantom of the Opera, Mystic River) at Justin Long (Tusk, Live Free or Die Hard) ay muling magpapatibok ng inyong puso.
Unang nagkita sina Kimberly (Rossum) at Dell (Long) sa Hollywood Forever Cemetery kung saan nagkaroon ng kaakit-akit na meteor shower. Bagama’t magkakontra ang kanilang mga ugali, sila’y unti-unting nahulog sa bitag ni Kupido.
Nagsimula sa isang dare ‘‘Do you believe in love? I don’t. So let’s date each other.’’
Parang walang patutunguhan sa simula, pero waring ang mga kapangyarihan mula sa kalawakan na ang nag-utos na mag-ibigan sila habang ang kapalaran naman ay pilit na winawasak ang isang napakatamis na pag-ibig.
Magtagumpay kaya ang pag-ibig?
Ang Comet ay ipinamamahagi ng Solar Pictures at mapapanood sa mga sinehan simula sa Pebrero 25, 2015.
- Latest