^

Pang Movies

Derek inaabot ng 21 takes dahil sa katatawa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy si Derek Ramsay nang ibalita ng TV5 na mataas ang ­rating ng first sitcom niyang Mac & Chiz (Sunday, 8:00 p.m.) kung saan gumaganap ­silang kambal ni Empoy Marquez.  Sa story, maayos na ang buhay ni Mac (Derek) nang iutos sa kanya ng amang hanapin ang nawawala niyang kakambal si Chiz (Empoy). Kung saan-saan siya naghanap ng kamukha niyang guwapo at kasingtalino, pero ang nawawala pala niyang kakambal ay ang lugaw vendor na si Francisco Espinosa (Chiz). Dito na magsisimula ang riot sa kanilang bahay. Hindi ba nag-alaala si Derek na kilala sa mga pelikula at teleserye na nagda-drama, tapos ngayon, nagpapatawa?

“Noong una, scary, dahil alam ko iba ang co­medy sa drama,” natatawang wika ni Derek. “Iba rin ang comedy ni Empoy, pero hindi siya maramot, he is willing to share. Una kaming nagkasama ni Empoy sa ABS-CBN, sa fantasy soap na Super Inggo, ako si Machete, siya si Petrang Kabayo. Sila ni Sweet (John Lapus) ang mga mentors ko at laging masaya sa set, with Bianca King, the only girl in the group, kasama si Jojo Alejar. May mga times na hindi ako makapigil sa pagtawa, kaya kung minsan, umaabot kami ng ilang takes, there was one scene na inabot kami ng 21 takes dahil lahat kami hindi makapigil sa pagtawa dahil kay Empoy.”

Hindi naiwasang matanong si Derek sa mga pangyayari tungkol sa pagkasawi ng 44 Special Action Force (SAF) members. 

“Pagkatapos ng napakasaya nating pagsalubong kay Pope Francis, who will expect na may ganitong mangyayari sa 44 SAF members. I’m very angry at what happened, affected din ang daddy ko who is a former policeman, sabi niya, action has to be done, the peace talk is not respected. I know the president (Noynoy Aquino) and the officials are doing a great job, but anything they will do, dapat tama, at dapat gumawa sila ng tama sa families ng Fallen 44.”

Friend niya si Kris Aquino, ano ang masasabi niya na tumatanggap din ng bashing si Kris mula sa mga netizens sa social media sa mga nangyari?

“Why bash her? Hindi naman dapat na siya ang sisihin. I know ginawa naman niya ang dapat on her part. Kaya dapat talaga magkaroon agad ng investigation para malaman ang totoo. Mahirap basta magsalita.”

 

Julian nasa Korea na, nag-guest sa Korean show

Congratulations kay Julian Trono. Tuluy-tuloy ang programa sa kanya ng GMA Artist Center matapos niyang mag-training sa K-Pop system sa JU Entertainment Music & Contents, Inc. ng Korea.  Tumulak na siya patungong Korea noong Monday para mag-guest sa live musical variety program ng MBC, ang Show Champion.

Matapos mag-record ng kanyang first single na Wiki Me, nai-shoot na rin ang music video nito sa direksyon ni GMA director Albert Langitan. Nakasama ni Julian ang sikat na Korean rapper na si ONE, member ng hip-hop team na T.L. CROW, na dumating sa bansa noong January 29.

ALBERT LANGITAN

ARTIST CENTER

BIANCA KING

CHIZ

DEREK

DEREK RAMSAY

EMPOY

EMPOY MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with