Vice Ganda dinadamayan si Kris sa pinagdaraanan!
Sa gitna ng sunod-sunod na batikos na natatanggap ngayon ni Kris Aquino, nakahanap siya ng kakampi sa kaibigang si Vice Ganda na buong tapang siyang ipinagtanggol.
Sa panayam ni Vice Ganda sa abs-cbn.com, sinabi niyang nag-usap sila ni Kris para ipakita ang kanyang suporta.
“Nag-uusap kami. Siyempre, magkaibigan kami. Mabigat sa akin na mabigat ang kalooban niya kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, hindi kami pareho ng opinyon. Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon pero iginagalang namin ang isa’t isa. Kahit hindi kami pareho ng opinyong tinatahak ngayon sinusuportahan ko siya kasi walang kaibigang gustong nasasaktan ang kaibigan,” ang pahayag ni Vice sa abs-cbn.com.
Sinabi rin ng komedyante na ipinagdadasal niyang maging okay ang kaibigan niya gayundin ang pamilya nito at pati na ang buong Pilipinas.
Nash pinanindigan na ang paggabay sa mga kapwa kabataan
Personal na isinusulong ng Bagito lead star na si Nash Aguas ang kahalagahan ng tamang paggabay sa mga kapwa niya kabataan at umaasa siya na sa pamamagitan ng online forum nila na Bagito Hangout ay makatutulong ang kanilang programa sa mga batang manonood.
“Para sa mga kabataang gaya ko na mas madalas na nakatutok sa Internet at social media, malaking bagay na may Bagito Hangout na puwedeng lapitan at hingan ng payo. Dahil sa panahon namin ngayon, marami nang tukso at masasamang impluwensiya na posibleng ikasira ng aming buhay,” pahayag ni Nash kaugnay ng online forum na bukas din para sa mga magulang na nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Pati nakaraan nila naungkat na! Fans nina Juday at Kris nagkakagulo
Supporters na nina Judy Ann Santos at Kris Aquino ang naglalabo-labo ngayon. Kung titingnan mo ang Instagram (IG) accounts ng dalawa, pareho silang may bashers at defenders na nag-aaway-away.
Kay Kris, sinisilip ang kawalan niya ng lovelife kaya may time raw itong magsasasagot sa mga bashers. Pero ang nakakaloka, may mga below the belt talagang comment na pati ang mga nakaraan ay inuungkat pa.
Kay Juday naman, nasilip na dati ay nagkaroon siya ng kaso sa BIR since may na-mention nga siya sa kanyang sagot sa isang basher na nagbabayad tayo ng buwis kaya may karapatan tayong sabihin ang ating nararamdaman.
Nagsimula ang paglalabo-labo ng kanilang supporters simula nang mag-post si Juday sa kanyang IG account ng tila patamang statement kay Presidente Noynoy Aquino nang hindi ito dumalo sa arrival honors ng SAF Fallen 44.
Dahil dito, balitang in-unfollow siya ni Kris sa IG.
Kung iisipin ay medyo matapang nga ang post na ‘yun ni Juday. Simpleng-simple pero ang lakas ng dating. Katunayan ay umani ito ng mahigit sa 3,000 comments at 15,000 plus na likes and still growing. Ang daming pumuri kay Juday sa pagiging matapang nito sa pagbatikos kay P-Noy at pagsasabi ng kanyang opinyon. May mga basher din of course na ipinagtatanggol naman ang Presidente at ang pamilya Aquino kaya ang ending, hayan at nagkakagulo na sila.
- Latest