PTV4 nagpapalit ng image
Masaya ang dalawang presscon na napuntahan namin last weekend. Una ay ang presscon ng PTV4 na nagulat kami dahil isa itong government station, pero since November, 2014, nagpapalabas na pala sila ng isang Koreanovela na Here Comes Mr. Oh. Ayon sa PTV4 executive na si Robert Tan, part ito ng re-imaging ng network, ang makipag-exchange ng shows with KEI (Korean Entertainment Inc.) Pumunta pa nang personal sa bansa ang dalawang KEI executives na sina Joo Shik Min at Seong Hwa Kung na sumagot sa mga tanong ng entertainment press with an interpreter.
Dagdag pa ni Robert Tan, magkakaroon pa ng ibang Korean shows na mapapanood sa PTV4 na hindi lamang mag-i-entertain sa mga local viewers but will also educate them tungkol sa Korean culture and family values. Magkakaroon din sila ng co-productions with Korean and Filipino actors working together.
Tinanong ni kasamang Isah Red kung bakit ngayon lamang sila nagpu-promote ng Tagalized Koreanovela kung noon pa palang November ito sinimulan? Hinintay daw muna nila kung magki-click dito ang love story nina Jaryong Oh (Lee Jang Woo) at Gong Yu Na (Oh Yeon Seo) at ngayong umabot na sila ng 800,000 viewers, time na raw para mag-promote sila dahil mapapanood pa ang Korean soap until June, 2015. Base sa magandang trailer na ipinakita nila, mukhang aabot nga ng ini-expect nilang two million viewers ang soap nila. Ang dalawang artista ay kilala na rin sa ibang Korean soaps.
According to the producers, ilan sa joint ventures nilang gagawin ay isang popular quiz bee and a nationwide singing contest. May isa rin silang series about a legendary doctor in Korea na ida-dub din in Tagalog.
3Logy bagong magpapakilig ng kababaihan
May ini-launch namang new boyband ang GMA Artist Center, ang 3Logy na binubuo nina Jeric Gonzales, Jak Roberto, at Abel Estanislao. Nang makausap namin sila, katatapos lamang nilang mag-promote ng kanilang first single sa SM Valenzuela, ng Maybe It’s You na theme song ng muling ipinalalabas ngayong Koreanovela na Ako si Kim Sam Soon. Natapos na nilang i-record ito at iri-release soon sa iTunes. Inihahanda na rin ang isang music video. Nagkaroon ng training ang tatlo sa voice coach nilang si Zebedee Zuniga. Ayon sa tatlo, pinagbotohan ng mga GMA Artist Center executives at ng kani-kanilang handlers mula sa roster nila ng young male stars.
Pero tuloy pa rin ang pag-arte ng tatlo. Si Jeric ay katatapos lamang ng Strawberry Lane, si Jak ay regular ding napapanood sa Walang Tulugan at kasama siya sa indie film na Asintado, si Abel ay nakasama rin sa top-rating afternoon prime na The Half Sisters. May bago siyang gagawing soap, ang The Healing Hearts.
- Latest